^

PSN Showbiz

Puso sa Puso!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Huwag kaligtaan ngayong Sabado alas-nuwebe hanggang alas-diyes ng umaga sa GMA News TV ang Gandang Ricky Reyes, Todo Na Toh (GRR TNT) ang episode na Puso sa Puso.

Mga kuwentong tatagos at hahaplos sa inyong puso ang hatid ng host-producer ng show na si Mader Ricky Reyes.

Una rito’y ang pagtupad sa taos-pusong kahili­ngan ng isang ginang na may sakit na cancer.  Nakal­bo ang ginang dahil sa chemotherapy at gusto niyang gulatin ang mga mahal sa buhay sa pagkakaroon ng buhok.

Isang wig na yari sa buhok ng tao ang inilagay ni Mader sa ulo ng ginang na halos mapahagulgol sa kanyang bagong angking kagandahan.

Personal na paborito ni Mader ang seryeng Ang Dalawang Mrs. Real. Isang araw ay dumalaw siya sa set para interbyuhin sina Dingdong Dantes at Lovi Poe.

Masisisi ba ang isang lalake na dalawa ang napusuan, minahal at pinakasalan? Tutok lang sa GRR TNT para malaman natin kung ano ang masasabi rito nina Dingdong at Lovi.

Usapang puso pa rin … at ito’y ang pagbibigay ni Mader ng mga pagkain at food supplement para maiwasan ang sakit sa puso.

Lahat ng ito at iba pa sa GRR TNT kung saan matutunghayan ang mga panoorin tungkol sa kalusugan, kagandahan, tao, happening at kabuhayan.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

GANDANG RICKY REYES

ISANG

LOVI POE

MADER

MADER RICKY REYES

MRS. REAL

PUSO

TODO NA TOH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with