^

PSN Showbiz

Jodi maraming natutunan sa pagiging ‘yaya’

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Tumagal ng apat na taon ang unang teleserye na sinalihan ni Jodi Santa Maria, ang Tabing Ilog kung saan unang nabuo ang love team nina John Lloyd Cruz at Kaye Abad. Nakaka-two years na­man ang family-orien­ted TV series naman niyang Be Careful with My Heart with Richard Yap.

Kung tutuusin, masa­ya na si Jodi sa kanyang mga supporting roles nang dumating ang role na Maya sa kanya na nag­pabago ng takbo ng kanyang buhay at karera.

Inamin ni Jodi na hindi niya inasahan na darating pa sa kanyang buhay ang ganitong kagandang blessing na kung kelan siya nagkaroon ng sariling pamilya, nagka-anak at nahiwalay sa asawa ay saka naman siya naging major star.

Ayon kay Jodi, marami umano siyang natutunan sa kanyang pagiging Maya at pagiging bahagi ng isang serye na nagbibigay na pag-asa at positibong value sa mga manonood.

Bukod sa kanyang saraling pamilya, para na niyang second family ang bumu­buo ng cast ng Be Careful With My Heart na hindi lamang naging daan ng kanilang pagiging solid ang samahan kundi nagdala at nagbukas pa ito sa kanila ng marami pang opotrunidad.

Dahil sa malaking tagumpay ng Be Careful With My Heart na hindi pa alam kung kailan magtatapos, magkakaroon ng free concert ang buong cast ma BCWMH sa Big Dome (Araneta Coliseum) sa darating na July 24 (Friday) sa ganap na ika-8 ng gabi na pinamagatang I Heart You 2 na ididirek ni Rowell Santiago with Louie Ocampo as musical director.

Bukod sa bumubuo ng cast ng BCWMH, makakasama rin sa I Heart You 2 free concert ang mga batikang mang-aawit na sina Erik Santos, Juris at Richard Poon.

Gustong pasukin ang fashion industry, Raymond mag-aaral sa London

Nakatakdang umalis patungong London nga­yong July 26 si Raymond Gutierrez for a three-week short course, on trend forecasting sa Central Saint Martins’s College of Art Design.  Mag-aaral din doon si Raymond ng may kinalaman sa fa­shion marke­ting dahil nagpa-plano siyang mag-put-up ng fashion business bago magtapos ang taon.

Habang nasa London, merong cameraman ang E! Channel na kukunan ang mga galaw at ac­tivities doon ng twin brother ni Richard na malamang mapasama sa ikalawang season ng It takes Gutz to be a Gutierrez.

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

BE CAREFUL

BE CAREFUL WITH MY HEART

BIG DOME

BUKOD

CENTRAL SAINT MARTINS

I HEART YOU

JODI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with