^

PSN Showbiz

Herbert natakot kay Kris, nag-sorry na

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK : Nung nakaraang presscon ng My Destiny ay sinasagot pa ni Rhian Ramos ang tungkol sa pagkaka-link niya kay Marc Nelson. Sabi niya, workout buddy lang daw silang dalawa.

Pero ngayon, bakit ayaw na niyang pag-usapan ito at iniiwasan na niyang tanungin sa kanya sa mga interview? Ayaw ng aktres na itanong ito sa kanya nang mag-promote siya ng My Destiny sa Startalk. Pero wala naman siyang nagawa, natanong pa rin ni Tito Joey de Leon, at itinanggi naman ng aktres. Nahihiya lang daw siya dahil magsu-sorry na naman daw siya kay Marc, dahil nadadamay daw siya sa isyu na ‘yan.

Abangan na lang daw ang pagsisimula ng My Destiny bukas sa GMA Telebabad pagkatapos ng Niño.

PAK : Magbibigay sana ng statement ang kampo ni Jolo Estrada tungkol sa mga paninira sa kanya sa social media, pero nagbago ang isip nila at hindi na nila itinuloy.

Nag-post naman si Jolo sa kanyang Twitter account ng; “Before you judge other people, try looking at yourselves in the mirror. Stop hating on people you don’t know.”

Nakausap namin ang ina ni Jolo na si Precy Ejercito, at sinabi niya sa aming, sobrang apektado na raw ang kanyang anak, Kaya ayaw na lang daw nilang sagutin pa ito o pahabain pa.

BOOM: Totoo kayang nagpadala daw ng card si Mayor Herbert Bautista kay Kris Aquino, at nag-sorry na raw siya?

Inaabangan namin sa Instagram account ni Kris, pero hindi pa niya pinost.

Nawala na kaya ang sama ng loob ni Kris kay Mayor Bistek, dahil nag-sorry na rin sa kanya?

vuukle comment

DAW

JOLO

JOLO ESTRADA

KRIS AQUINO

MARC NELSON

MAYOR BISTEK

MAYOR HERBERT BAUTISTA

MY DESTINY

PERO

PRECY EJERCITO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with