^

PSN Showbiz

Heart nag-e-expect ng proposal kay Sen. Chiz sa Paris

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Hindi mahagilap ng mga reporters si Sen. Bong Revilla kahapon dahil nasa taping pala ito ng Kap’s Amazing Stories. Ayaw naman magpa-interview ni Sen. Bong dahil ayaw na niya munang magsalita sa ngayon.

Bukas ng umaga na kasi ang Kap’s Amazing Stories na tumatalakay sa Animal Superpowers na nasa episode 2 na.

Kailangan na ring magbangko ng episodes ni Sen. Bong para sa Kap’s Amazing Stories dahil hindi nga naman natin tiyak kung ano ang susunod na mangyari.

PAK: Hindi naman singer si magaling na aktres, pero “diva” pala ang tawag sa kanya ng mga katrabaho niya.

Kapag may ginagawang project si magaling na aktres halimbawa may pelikula o nasa taping ito, ang dami niyang bitbit na umalalay sa kanya.

Bukod sa personal assistant niya, may bitbit siyang taga-plantsa ng damit niya, taga-plantsa ng buhok niya, taga-make-up at meron pang tagamasahe.

Ang dami raw demands ni aktres sa trabaho na wala naman magawa ang production staff dahil kailangan ito.

Hindi mo halata sa kanya na diva-divahan ang drama niya dahil matsika naman ito sa press at napakabait ng dating. Pero mahirap palang katrabaho dahil sa mga demands nito, at naloloka ang production staff sa rami nang pakakainin na mga kasama niya.

BOOM: Ngayong araw ang alis ng magkasintahang Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista patungong Europe para magbakasyon.

Matagal nilang pinaghandaan ang bakasyong iyun at ayaw naman daw mag-expect ni Heart, pero ang wish pala talaga niya ay sa Paris magpu-propose sa kanya ang magiging asawa niya.

Aminado naman ang aktres na gusto na niyang kung lalagay siya sa tahimik ay si Sen. Chiz na raw sana ito.

Sinasabi naman niya noon, na sasama lang siya sa bakasyon sa Europe sa lalaking pakakasalan siya.

Ayaw naman daw niyang pangunahan si Sen. Chiz na mag-propose na sa kanya.

Tingin daw niya gusto ng senador na ma-surprise siya. Pero sana matupad daw ang wish niyang doon sa Paris niya ma-experience ang proposal.

 

vuukle comment

AMAZING STORIES

ANIMAL SUPERPOWERS

AYAW

BONG REVILLA

CHIZ

CHIZ ESCUDERO

HEART EVANGELISTA

KAP

NAMAN

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with