^

PSN Showbiz

Rafa suportado ng buong pamilya

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Bago pa lamang sa larangan ng pag-aartista ang binata ng mag-asawang Carlitos Siguion-Reyna at Bibeth Orteza na si Rafa Siguion-Reyna pero may dalawang programa na itong pinagkakaabalahan ngayon, ang Vampire ang Daddy Ko na pinagbibidahan ng TV host-comedian na si Vic Sotto at ang bagong simulang TV drama series na Niño.

Hindi naman kataka-taka ang pagpasok sa showbiz ni Rafa dahil sa kanyang pagiging bahagi ng showbiz royalty.

Kahit nagtapos ng kanyang pag-aaral sa New York Uni­veristy sa New York, U.S.A. si Rafa, hindi napigilan ng mag-asawang Direk Carlitos at Bibeth ang kanilang anak na pumasok ng showbiz dahil nasa dugo nito ang mundong ginagalawan ng kanyang lola (Armida Siguion-Reyna), mga magulang, tiyahin at maging ang pinsan na si Cris Villongco.

Natutuwa si Rafa dahil very supportive sa kanya ang kanyang lola at mga magulang.

Jomari at Aiko nangangamoy balikan

Maganda ang relasyon ngayon ng estranged couple na sina Jomari Yllana at Aiko Melendez dahil sa kanilang common bond, ang kanilang kaisa-isang anak na si Andre Yllana, now 15 years old.

Sa recent car racing event na sinalihan ni Jomari, naroon para sumuporta si Aiko at dalawa niyang anak na sina Andre at Marthena (anak ni Aiko sa second husband niyang si Martin Jickain).

Gusto umano ni Andre na mag-train din sa car racing pero ayaw pa itong payagan ni Jomari until he is 18.

Jomari and Aiko are both loveless sa kasalukuyan kaya marami ang umaasa na sana’y magkabalikan ang dating mag-asawa.

Jhong hiwalay na rin sa asawang British

Halos hindi nalaman ng publiko na nag-asawa na pala ang dancer-actor na si Jhong Hilario ng isang British national. Nakilala ni Michelle Westgate sa London in 2001 nang siya’y maging bahagi ng cast ensemble ng Miss Saigon sa London’s West End at ang Bri­tish girl. Dalawang taon silang naging magkasintahan hanggang sa sila’y magpakasal in October 2005. July 2012 naman nang sila’y maghiwalay dahil na rin marahil sa kanilang cultural differences. Mas gusto ng ex-wife ni Jhong na sa London sila manirahan at mas gusto naman ni Jhong dito sa Pilipinas dahil narito ang kanyang trabaho at pamilya.

Pitong taon din ang itinagal ng pagsasama ng dating mag-asawang Jhong at Michelle.

Phil naiinggit sa love life ng kapatid na si James

Kung loveless pa rin hanggang ngayon ang football star na si Phil Younghusband after his separation sa ex-GF niyang si Angel Locsin na naki­pagbalikan sa dati nitong nobyong si Luis Manzano, masayang-masaya naman ang lovelife ng kanyang nakatatandang kapatid na si James Young­husband dahil sa nobya nito of almost two years na si Sari Lazaro na isang fashion designer.

vuukle comment

AIKO

AIKO MELENDEZ

ANDRE YLLANA

ANGEL LOCSIN

ARMIDA SIGUION-REYNA

BIBETH ORTEZA

JHONG

JOMARI

RAFA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with