^

PSN Showbiz

TNAP convention ng Puregold wagi, dinagsa ng mga sikat­

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinagsama-sama ng Puregold ang pinaka-ma­lal­aki, pinaka-makikinang, at pinaka-iconic na cele­bri­ties sa ika-9th na installment ng taunan nitong Tindahan Ni Aling Puring (TNAP) Sari-Sari Store Con­vention na naganap sa World Trade Center sa Pasay City nuong Mayo 21 to 25. Ang mga artistang du­malo upang ipagdiwang ang 11 matagumpay na taon ng TNAP ay pinangunahan ng mga hari ng noontime television na sina Vic Sotto at Joey De Leon; ang ng Pop Star Princess at Box-Office Queen na si Sarah Geronimo; si Coco Martin; si Jodi Sta. Maria; Kim Chiu; Matteo Guidicelli; Julia Barretto; Angelica Panganiban; Up Dharma Down; Callalily; Aegis at marami pang iba.

Tunay na mahalagang taon ang 2014 para sa Puregold sa kadahilanang inilunsad nito ang bago at improved membership card ng TNAP na ipinagmamalaki ang mga bago at highly-exclusive na mga benepisyo para sa mga miyembro gaya ng easier structure to earn points through their purchases at improved redemption system para sa mga fabulous freebies at prizes plus other exciting features at rewards. Ang tema ng convention ngayong taon ay Level-AP! Eleven Years, E-Level AP and Asenso at Panalo. At layunin ng convention ngayong taon ay ang ipakilala ang mga magandang pagbabago na inaasam ng mga miyembro ng Tindahan ni Aling Puring.

Nakilahok ang mga miyembro ng TNAP sa libreng trainings at seminars ng convention upang matuto sila ng mga mahahalagang tips at methods mula mga nirerespetong negosyo gurus tulad nina Chinkee Tan, Francis Kong, Randell Tiongson, RJ Ledesma, Anton Diaz, at marami pang iba. Binigyan din ng Puregold ang mga top purchasers nito ng mga brand new cars kagaya ng Mirage, Vios, Innova, at Altis; at magpapamigay din ng mga business utility vehicles at packages gaya ng multicabs, pick-up trucks, at mga Puregold gift certificates.

Steadfast at extremely passionate ang Puregold sa adbokasiya nito na tulungan at i-empower ang bawat Pilipino na mag-lebel up sa pamamagitan ng sustained na tagumpay sa kanilang mga negosyo. Tanging Puregold lamang ang makakapag-alay ng sari-sari store and/or reseller packages na ginawa upang suportahan ang mga simple at maliliit na entrepreneurs.

Ang Puregold ay ang namumukod-tanging establisyamentong nag-ooffer ng complete business package para sa sari-sari store start-up o relaunch kung saan kabilang ang store design at promotion, technological assistance, isang crash course sa basic retail, at exposure sa media.

Sa mga nakaraang taon, ang mga sari-sari storeowners mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao ay itinuturing bilang mapagkakatiwalaang sellers dahil sa gold stamp ng Puregold at ng TNAP.

 

vuukle comment

ALING PURING

ANG PUREGOLD

ANGELICA PANGANIBAN

ANTON DIAZ

BOX-OFFICE QUEEN

CHINKEE TAN

PUREGOLD

SARI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with