^

PSN Showbiz

Ynna nanghinayang pa rin kay Mark

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Pinanghinayangan ni Ynna Asistio ang kanilang limang taong relasyon ng aktor na si Mark Herras pero tanggap na niya na hindi sila ang para sa isa’t isa. Inamin din ng aktres na totoong nasaktan siya nang malaman niya ang tungkol sa pagkakaroon ni Mark ng anak sa ibang babae.

Ang suporta ng kanyang pamilya ang nakatulong kay Ynna para tuluyan siyang makapag-move on after her break-up with Mark na napamahal din sa kanyang pamilya.

Samantala, Ynna has yet to start her projects sa ABS-CBN magmula nang siya’y lumipat dito nung isang taon.

Matapos maka-graduate sa NY, Rafa mas interesado sa showbiz

Natutuwa si Rafa Siguion-Reyna na kasama siya sa bagong teleserye ng GMA, ang Niño. Si Rafa (short for Rafael) ay bunso sa dalawang anak ng mag-asawang Carlitos Siguion-Reyna at actress-writer Bibeth Orteza at apo ng veteran singer-actress na si Armida Siguion-Reyna. Pinsan naman niya ang stage singer-actress na si Cris Villongco.

Kahit nagtapos sa New York University si Rafa, showbiz ang gusto niyang pasukin, bagay na hindi naman kataka-taka dahil sa kanyang showbiz lineage.

vuukle comment

ARMIDA SIGUION-REYNA

BIBETH ORTEZA

CARLITOS SIGUION-REYNA

CRIS VILLONGCO

NEW YORK UNIVERSITY

RAFA

RAFA SIGUION-REYNA

SI RAFA

YNNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with