^

PSN Showbiz

Dahil sa problema raw sa utak Claudine pinatawad ni Mon Tulfo

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Guess what? May mga nag-react sa Instagram account ni Claudine Barretto kung saan naka-post ang litrato niya kasama ang isa sa Tulfo Brothers na si Raffy Tulfo at ang lawyer ni Claudine na si Atty. Ferdie Topacio.  

Ayon sa ilang nag-react, kung gu­mawa si Claudine ng paraan para mag-reach-out kay Mon sa pamamagitan ng kapatid nitong si Raffy, bakit hindi raw ito gumawa nang pa­ra­an na makipag-ayos sa kanyang nakaalitang mga kapatid na sina Gret­chen at Marjorie Barretto at maging sa kanyang ex-husband na si Raymart.

Ang masakit lang dito, masama ang binitiwang salita ni Mon laban sa lumabas na photo nila nina Raffy.

Pinatawad na raw niya si Claudine dahil meron naman daw itong problema sa ‘utak.’

Sasagot pa kaya si Claudine sa mga sinabi ni Mon?

Sheryl inilabas na ang pagiging composer

Kilala ang Cruz clan sa pagiging ma­huhusay na singers kaya ang magpi-pinsang sina Sheryl Cruz, Donna Cruz, Geneva Cruz, at Sunshine Cruz, at maging ang magkapatid na sina Rayver at Rodjun Cruz ay pawang mahuhusay na singers maging ang yumaong ama ni Sheryl na si Ricky Belmonte at pinsan nitong si Tirso Cruz III ay pawang maga­galing na mang-aawit.

Sa part ni Sheryl, ang isa pang talent na kanyang unti-unting inilalabas ay ang pagiging isang composer. Katunayan, dalawang cuts sa kanyang bagong album na Sa Puso ay Ikaw Pa Rin ay sari­ling composition niya, ang Mananatili at The Last to Know. Meron na siyang 18 compositions na naka-rehistro sa FILSCAP (Filipino Society of Composers, Authors and Publishers).

Si Sheryl ay matagal nang bumalik sa Pilipinas nang sila’y maghiwalay ng kanyang US based ex-husband na si Norman Bustos.  May isa silang anak, si Ashley Nicole. 

Matagal nang tanggap ni Sheryl ang pagiging single mom kay Ashley kaya binabalanse niya ang kanyang papel bilang ina ng kanyang kaisa-isang anak at ang kanyang pagiging isang singer-actress na ngayon ay dinagdagan niya ng kanyang pagiging isang composer.

vuukle comment

ASHLEY NICOLE

AUTHORS AND PUBLISHERS

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

CRUZ

DONNA CRUZ

FERDIE TOPACIO

KANYANG

SHERYL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with