^

PSN Showbiz

Danita hindi umuusad ang career

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Kasama naman pala sa Beki Boxer ng TV5 si Danita Paner. Ewan ko lang kung ano ang kanyang role dahil hindi pa ako nagkakaroon ng chance na mapanood ang show, pero sana maganda para hindi na magreklamo ang kanyang mader na si Daisy Romualdez na inalis ang kanyang anak sa TV5 at pinag-concentrate sa pagkanta dahil feeling niya ay walang inuusad ang career ni Danita sa pag-aartista.

Yasmien handa na kahit mawalan ng boses

Nakatakda nang sumailalim sa isang operasyon itong si Yasmien Kurdi na lalamunan naman ang may diprensya. May tumubong cyst sa kanyang lalamunan na kinakailangang matanggal dahil gusto niyang makakantang muli. Bukod sa pag-aartista, ang pagkanta ang isa sa pinakagustong gawain ng aktres. Tatapusin lang niya ang Rhodora X at pagkatapos ay magpapa-opera na siya. Kahit na sinabi ng kanyang doktor na baka hindi na siya muling makakanta, magpapa-opera pa rin ang aktres, para mawala ang pamamaos niya at pananakit ng lalamunan niya. Positibo siya na mababalik ang boses niya.

Winwyn solo nang pahihirapan si Louise

Pinatay na si Thea Tolentino sa Kambal Sirena, bilang kontrabida ni Louise delos Reyes. Nasa balikat na ngayon ni Winwyn Marquez ang pagpapahirap kay Louise na kayang-kaya naman niya. Mabuti nga at nawala na si Thea para naman pumasok sa Half Sisters. Kayang-kaya nang mag-isa ni Winwyn ang pagkokontrabida.

 

vuukle comment

BEKI BOXER

DAISY ROMUALDEZ

DANITA PANER

HALF SISTERS

KAMBAL SIRENA

RHODORA X

THEA TOLENTINO

WINWYN

WINWYN MARQUEZ

YASMIEN KURDI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with