^

PSN Showbiz

Osang halos isumpa ang anak na si Onyok

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Ilang buwan na ang nakalilipas nang lumabas sa telebisyon ang anak ni Rosanna Roces na si Onyok Adriano. Nabanggit sa panayam kung bakit nagkasira silang mag-ina.

Ayon kay Onyok ay patuloy diumano ang paggamit ng aktres ng ipinagbabawal na gamot. Tutol din daw si Osang sa kinakasama ng anak kaya sumama ang loob ni Onyok sa ina. Hanggang ngayon ay hindi pa rin daw naaayos ang gusot sa pagitan ng mag-ina. Hindi na rin daw pinanood ng aktres ang nasabing panayam ng anak.

“Hindi, hindi, hindi. Ikaw, magiging okay ka ba kapag gano’n? Ayoko lang kasi sa batang ‘yan nababayaran. Totoo, so hindi ko pa napanood ‘yung interview kasi alam ko na hindi siya ‘yun,” pagtatapat ni Osang.

“Alam kong manipulado ‘yan. Kaya nga hindi ako kumibo kasi totoo lahat na sasabihin ko eh. Ayaw ko naman ipahiya ‘yung anak ko. Tama na ‘yung nangyari pero nasaktan ako bilang nanay niya at mali ang ginawa niya pero bilang ipahiya niya ang miyembro ng pamilya niya, anak ko pa rin ‘yan. Alam ko kasing may tao talagang nasisilaw sa salapi pero ‘yung dugo mas matimbang pa rin ‘yan eh,” paliwanag ng aktres. Hinihintay na lamang daw ni Osang ngayon ang tamang panahon kung kailan sila muling magkakasundo ni Onyok.

 â€œKasi kahit anong pilit mo, basta si Lord ang gagawa ng paraan niyan. ‘Yan ang pinaka-spoiled sa akin kaya kung may nahihirapan man sa aming dalawa hindi ako ‘yun,” giit ng aktres.

Isabelle walang kahilig-hilig sa mga beauty pageant

Hindi raw pinangarap ni Isabelle Daza na maging isang beauty queen katulad ng inang si Gloria Diaz. Hindi nakararamdam ng pressure si Isabelle kahit mara­ming pumipilit sa kanya na sumali sa mga beauty pageant.

“I’m hosting shows so I’m very contented and I don’t feel the need na kailangan ko pang sumali sa beauty pageants. Ang daming magaganda diyan my gosh,” nakangiting bungad ni Isabelle.

“I don’t see myself joining a competition to say I’m the most beautiful. I think I was approached a few times, yeah. Alam mo naman Filipinos, we love our beauty pageants,” dagdag ng dalaga. Nakasama si Isabelle sa pelikulang It Takes a Man and a Woman na ipinalabas kamakailan. Nga­yon ay isang bagong pelikula raw ang pinagkakaabalahan ng aktres.

“I’m doing a new movie with Miss Iza Calzado and Matteo Guidicelli and a lot of other actors. It’s by Direk Joey Reyes. This is coming out I think in July and then I’m doing another film with Direk Erik Matti and Dingdong Dantes. Action siya na thriller. I’m doing three movies this year,” pagbabahagi ni Isabelle. Reports from JAMES C. CANTOS

                                                      

vuukle comment

ALAM

DIREK ERIK MATTI AND DINGDONG DANTES

DIREK JOEY REYES

GLORIA DIAZ

ISABELLE DAZA

ONYOK

OSANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with