^

PSN Showbiz

Guy biglang naging palamura

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

Inaabangan na ngayon ang pelikulang pagbibidahan ni Nora Aunor na Hutisya sa direksyon ni Joel Lamangan at panulat ni Ricky Lee. Gaganap sa kauna-unahang pagkakataon ng dark character ang superstar na miyembro ng human trafficking syndicate - biktima at nambibiktima.

“First time rin akong gagawa nang pelikula na ako’y palamura,” dagdag nang superstar.

Maganda ang chemistry ni Guy at Joel dahil nagkakaintindihan sila at komportable sa isa’t isa. Pinag-uusapan ng dalawa kung paano ang treatment sa character ng magaling na aktres.

Joel gave Guy her 1st international best actress at nasundan pa ng Bakit May Kahapon Pa? Si Joel din ang nagbigay kay Nora ng 2 URIAN Best Actress.

Kahit magaling na artista ay tinatanong pa rin ni Guy ang director ng tamang galaw, kilos dahil strong ang character nito.

Kasama rin sa pelikula sina Rosanna Roces, Romnick Sarmenta, Rocco Nacino, Gardo Versosa, Sunshine Dizon, Chynna Ortaleza, Jaime Pebanco, Sue Prado, Jeric Gonazales, Miles Kanapi, John Rendez, Afi Africa, at initial venture ng Likhang Silangan Productions sa pakikipagtulungan sa Cinemalaya Foundation.

Mapapanood ito sa u­nang linggo ng Agosto sa 10th Cinemalaya Independent Film Festival.

Bonding with God

Kasama rin si Rocco Nacino sa Hustisya kung saan nahihiya pa itong sabihin na isa siyang abogado na walang puso’t kaluluwa. Ibig sabihin ay napakasama niya.

Nasa cloud nine pa ito dahil nakapag-bonding sila nang husto ni Lovi Poe sa Rome, London at Paris kung saan tumagal ang kanilang bakasyon ng dalawa at kalahating linggo.

“Na-refresh ako dahil sa aming travel. Nakilala namin nang husto ang isa’t isa at superbonding talaga kami ni Lovi,” aniya

Ayaw pa ring aminin nina Rocco at Lovi ang tunay nilang relasyon.

vuukle comment

AFI AFRICA

BAKIT MAY KAHAPON PA

BEST ACTRESS

CHYNNA ORTALEZA

CINEMALAYA FOUNDATION

CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

GARDO VERSOSA

JAIME PEBANCO

ROCCO NACINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with