^

PSN Showbiz

Dennis pumayat sa pagsu-surf

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Isa ang The Janitor sa entry sa Director’s Showcase ng 2014 Cine­malaya na may powerful cast at malaking tulong ito kay Direk Mike Tuviera. Magkakasama sa pelikula sina Dennis Trillo, Derek Ramsay, Raymond Bagatsing, LJ Reyes, Alex Vincent Medina, Jerald Napoles, at Richard Gomez.

Si Dennis ang pinakabida at gaganap sa role ni Crisanto Espina sa action-drama movie tungkol sa ex-cop na inutusang hantingin at patayin ang mga pulis na involved sa bank robbery.

Sa still photo na nakita namin, pulis ang role ni Richard, hindi pa namin alam ang role nina Derek at Raymond, pero sigu­rado nang kasama sila sa movie. First indie film ito ni Derek at Raymond at excited na makikipag-meeting pa lang kay Direk Mike.

Nakatulong kay Dennis ang ilang araw na pagsu-surf at nagpapayat pa yata para mas bumagay sa kanyang role bilang eliminator. Nagsimula nang mag-shooting si Direk Mike at ang pelikula muna ang gagawin niya habang wala pa siyang bagong TV project sa GMA 7.

Kulang na lang ‘hatiin ang katawan’, JC lagare sa TV at pelikula

Ang bilang ni JC de Vera, pampitong pelikula na niya sa Regal Entertainment ang So, It’s You na showing bukas at kasama sina Carla Abellana at Tom Rodriguez. Ibig sabihin, hindi na bago sa kanya ang makipagtrabaho kina Mother Lily at Roselle Monteverde.

Si Tom, nakasama na niya sa isang show sa TV5 at naging director na rin niya si Jun Lana noong nasa GMA 7 pa siya. Si Carla ang first time niyang nakatrabaho at maganda ang impression niya rito.

“Maganda si Carla at intelligent, ‘yun ang aura niya ‘pag kinausap mo. Maganda siyang magsalita, kitang maganda ang breeding and how she carries herself. Sa simula, intimidating siya, pero ‘pag mas nakilala mo, makikilala mong masaya at madaling katrabaho,” patungkol ni JC sa aktres.

 Isyu pala ang hindi pagdating ni JC sa grand presscon ng So, It’s You at dahil ‘yun sa malayo ang taping niya ng Moon of Desire that time, karamihan sa eksena ay sa kanya. Baka raw hindi siya maka­balik kung pumunta siya sa presscon, kaya nag-decide siyang ‘wag na lang pumunta sa presscon.

Lagare si JC sa taping ng Moon of Desire at The Legal Wife, mabuti at may time pa siyang gawin ang movie ng Regal.

Krystal, peg ang katawan ni Marian

Kuwento ni Krystal Reyes, na-intimidate siya kay Marian Rivera sa first few taping days nilang magkasama sa Carmela. Nahiya siya rito dahil big star ito at Primetime Queen ng GMA 7. Pero si Ma­rian pa raw ang tumatawag sa kanya’t pinauupo sa tabi nito at kinakausap siya ‘pag breaktime nila.

Malambing din daw si Marian, kaya agad napalagay ang loob niya at pinayuhan siyang magpapayat na kanyang gagawin kapag natapos na ang Carmela. Nangako si Krystal na bago ang debut niya sa September 8 at sa presscon ng next show niya, payat na siya. Gagawin daw niyang peg ang kapayatan ni Marian.

Donita dalawang buwan lang sa ‘Pinas

Sa Las Vegas na pala naka-base sina Donita Rose at ang pamilya nito at bumalik lang ng Pilipinas dahil sa offer ng GMA 7 na maging isa sa mga host ng Basta Every Day Happy. Sa direction ni Louie Ignacio, co-host ni Donita sina Gladys Reyes, Chef Boy Logro, at Alessandra de Rossi.

Sabi ng manager ni Donita na si Angeli Pangi­linan-Valenciano, two months lang dito si Donita at babalik din ng Las Vegas. Tatapusin lang sigu­ro nito ang taping ng talk/variety show na pilot sa May 12, at ipalalabas bago ang The Ryzza Mae Show.

 

vuukle comment

ALEX VINCENT MEDINA

ANGELI PANGI

BASTA EVERY DAY HAPPY

DIREK MIKE

DONITA

MOON OF DESIRE

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with