Kris nag-iikot sa mga aktor
Hindi na naman daw si Mayor Herbert Bautista kundi si Derek Ramsay ang bago ng presidential sister na si Kris Aquino. Sinasabi ng marami na hindi raw nagklik sina Mayor at Kris kaya move on na naman ang napaka-eligible na babae. ‘Yun nga lang ang mga naglalabasang lalaki kuno niya ay sorpresa sa marami.
Pagkatapos ni Bistek na maski ako ay talaÂgang ayaw maniwala, sa Kapatid actor naman siya pagpipistahan sa mga susunod na araw. BaÂgaman at nauna nang itinanggi ng aktor ang pagkakaroon nila ng romansa, walang pagtanggi na nagmumula sa account ni Kris sa Internet. Sa halip, walang patuÂmangÂÂgang pasasalamat sa aktor ang binabanggit niya dahil sa pagkakaroon nila ng koneksyon nung mga panahong kailangan niya ng makakasama.
Lisa pinu-push ng kapamilya
Mukhang si Lisa Soberano ang nagpapamalas ng kagalingan among the newest Star Magic artists na inilunsad kamakailan lamang. Aside of course kay Julia Barretto na natuloy din finally ang pagbibida sa sarili niyang teleserye. Si Lisa, kasama si Enchong Dee ang tampok na tambalan sa Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado, Abril 5. GagamÂpanan nila ang mga karakter nina Jhonny at Aileen na nagkahulugan ng loob sa kanilang summer job. Totoo bang mabilis magkasawaan ang mga magkasintahang palagiang magkasama?
Tampok rin sa MMK sina Marc Solis, Jon Lucas, Hyubs Alarcon, at BerÂnadette Allyson. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Mae Czarina Cruz.
Showbiz writers pabongga ang career
Always proud ako sa mga kapwa ko entertainment wriÂter na umaangat sa kanilang traÂbaho at naÂgiging malaki at sikat pang personalidad buÂkod sa pagiging movie wriÂters. Tulad nina Boy Abunda, Ricky Lo, Cristy Fermin, at Aster Amoyo na mga sikat nang TV hosts ngayon. Artista na rin ang katotong Ogie Diaz, mga awtor ng libro na sina Dindo BaÂlares at Boy Villasanta. Naging Brgy. Captain naman sina Jun Nardo at ang namayapa nang si Fely Igmat. Naging Kagawad sa kanilang lugar sina Ogie Ignacio at Jimmy Escala, mga direktor na rin sa pelikula ngayon sina Sandy Es Marianao at Benny Andaya.
Maituturing na pinakabunÂso sa mga entertainment wriÂter achievers ay ang trio nina Rodel FerÂnanÂdo, RomÂmel Placente, at Mildred Bacud na ngayon ay kaÂbilang sa magÂpapatakbo ng pinakaÂbaÂgong showbiz publication sa internet, ang Philippine Showbiz Republic na pamumunuan ni Rodel bilang editor-in-chief. Sina Mildred at Rommel ang mga executive editors niya. May ikaapat na miyembro ng editorial staff, si Marla David na tatayong head ng editorial advisory board.
Bagaman at medyo may katagalan nang moÂvie wriÂters ang tatlo, unang pagkakataon nila ito na maÂupo sa editorial board at nangakong lahat ng ilaÂlabas nila ay hindi tsismis lamang kundi based on facts and bounded by principles.
Exhibit ni Kuh sa white space…
Sori pero mali ‘yung nailagay kong lugar na pagtatanghalan ng 2nd painting exhibit ni Kuh Ledesma sa April 8 na may pamagat na The Beauty of Purpose. Hindi ito magaganap sa Hacienda Isabela kunÂdi sa Whitespace Makati. Ang concert niyang Amazing Love sa April 19 ang may venue na Hacienda Isabela.
- Latest






















