^

PSN Showbiz

Aiko at Jomari nagkabalikan na naman

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

May mga lumulutang na balita na nagkabalikan umano ang estranged couple na sina Aiko Melendez at Jomari Yllana dahil madalas umanong makita ang dalawa na magkasama. Pero agad pi­na­bulaanan ni Aiko na sila’y nagkabalikan ng da­ting mister although aminado siya na nagkakasama silang madalas.

Fifteen years old na ang anak ng dating mag-asawa na si Andrei at kung sina Aiko at Jomari ang masusunod, gusto muna nila itong makapagtapos ng high school bago nito naisin na mag-showbiz.

Dalawa ang anak ni Aiko, sina Andrei (kay Jomari) at si Marthena (kay Martin Jickain) kung saan matagal nang hiwalay ang aktres at dating konsehal ng Quezon City.

Samantala, pinag-iisipang mabuti ni Aiko kung muli niyang papasukin ang pulitika.

Still on Aiko, she needs to shed off unwanted pounds dahil tumaba siya nang husto.

Kaso ni Vhong hindi na pinag-usapan

Ang horror-comedy film na Da Possessed ang first movie ng dancer-TV host-comedian na si Vhong Navarro matapos ang kanyang naranasang traumatic experience na may kinalaman sa pagkakabugbog sa kanya ng grupo ng negosyanteng si Cedric Lee. Last Sunday ay first time humarap sa entertainment media ang dating mister ni Bianca Lapus  at agad itong nagpasalamat sa tiwala, suporta, at pagmamahal na kanyang nakuha pagkatapos ng bugbugan issue.

Dahil nasa korte na ang kaso na kanyang kinasangkutan, hindi na pinag-usapan pa sa presscon maging ang tungkol sa pagkakabugbog sa kanya. Ipinauubaya na lamang ni Vhong ang lahat sa Diyos at sa korte.

Kilala si Vhong sa pagiging komedyante at masa­yahing tao pero sa presscon ng kanyang bagong pelikula ay banaag pa rin na meron itong pinagdadaanan. Hindi rin ikinaila ni Vhong na nahirapan siya nung umpisa na magpatawa dahil sa kanyang pi­nagdaraanan at naging supportive naman umano si Direk Joyce Bernal at mga kasamahan sa pelikula at maging ang production staff hanggang sa unti-unti siyang naging kumportableng muli.

vuukle comment

AIKO

AIKO MELENDEZ

ANDREI

BIANCA LAPUS

CEDRIC LEE

DA POSSESSED

DIREK JOYCE BERNAL

JOMARI

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with