^

PSN Showbiz

Kris si Mayor Binay naman ang ‘itsinismis’

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Marami ang agree sa sinabi ko sa Startalk na nanggagaling din kay Kris Aquino ang mga balita tungkol sa kanyang love life.

Katulad kahapon, nagkuwento uli si Kris sa kanyang morning show na pinanood niya ang midnight screening ng Divergent. Kung hindi nagkukuwento si Kris, walang malalaman ang publiko tungkol sa kanyang love life.

With matching kilig ang reaksyon ni Kris nang tuksuhin siya nina Pokwang at Carmina Villa­roel  tungkol sa  kasama niya sa panonood. Hindi niya sinabi ang name ng mhin kaya naintriga na naman ang televiewers sa identity ng mhin na nagpapasaya ngayon sa kanya.

Mas marami ang naniniwala na si Quezon City Mayor Herbert Bautista ang mystery guy sa buhay ni Kris dahil sa hint ng kanyang ex-husband na si James Yap na pulitiko ang mhin.

Pero kahapon ay nag-post na naman siya ng picture na kasama si Makati Mayor Junjun Binay kasama ang tatlong anak nito. Kaya ayun may nag-isip na naman na baka naman hindi si Herbert ‘yung sinasabi nilang secret guy niya, baka si Mayor Junjun Binay.

See sa kanya na namang nanggaling ang balita.

Louise at Enzo hindi malayong magkabalikan

Bayolente ang reaksyon ng fans nina Enzo Pineda at Louise delos Reyes sa balita na hiwalay na sila.

May mga nagbanta na hindi na nila ipa-follow sa Instagram sina Enzo at Louise. May nag-dialogue na “I rebuke the news of Lolit Solis!”

Kailangan talaga kasali ang pangalan ko sa isyu? Ibinahagi ko lang sa viewers ng Startalk at readers ng PSN (Pilipino Star NGAYON) ang tsismis na nakarating sa akin. Wala na akong magagawa kung magde-deny si Enzo na nakipaghiwalay siya kay Louise dahil nabalitaan niya na nakipag-date kay Aljur Abrenica ang kanyang dyowa.

Malay n’yo, magkabalikan uli sina Louise at Enzo na naghiwalay na noon pero nag-reconcile. Basta sure ako na hindi gimik para sa Kambal Sirena ng GMA 7 ang tsismis na nasagap ko.

Nadine imi-make over para magkaroon ng sariling identity

Hindi pa masabi ni Nadine Lustre kung kailan mangyayari ang full makeover sa kanya para hindi na siya maging kalokalike ni Kathryn Bernardo.

Puwedeng matupad ang makeover kay Nadine pagkatapos ng commercial run ng Diary ng Pa­nget, ang launching movie niya na showing na bukas sa mga sinehan.

Hindi problema kay Nadine na ikinukumpara siya kay Kathryn pero concerned ang mga tao sa kanyang paligid. Mahihirapan si Nadine na magkaroon ng sariling identity hangga’t  sinasabi ng lahat na magkahawig sila ni Kathryn. Ano kaya ang makeover na gagawin sa kanya para hindi na siya maging copycat ni Kathryn?

May official sound track ang Diary ng Pa­nget. Parehong marunong kumanta sina Nadine Lustre at James Reid kaya sila ang starring sa music video ng No Erase at Paligoy-Ligoy.

Ginamit ang mga kanta nina James at Nadine sa mga eksena ng Diary ng Panget. Filipino-Australian si James pero matatas ito sa pagsasalita ng Tagalog dahil kahit lumaki siya sa Australia, madalas ang pagbabakasyon niya sa Pilipinas hanggang mag-decide ang binata na pasukin ang mundo ng showbiz. Napakadali para kay James ang kumanta ng Tagalog songs.

Hindi katulad si James ng mga aspiring actor na may foreign blood pero bano sa Filipino language kaya hindi nagtagal ang kanilang mga showbiz career.

Joey at Vic nalito sa mga contestant ng Pinoy Henyo

Nakakaloka ang mga high school student na  contestants kahapon sa Pinoy Henyo ng Eat Bulaga. Ang bilis-bilis nila na sumagot at magsalita.

Nalito sina Joey de Leon at Vic Sotto sa bilis ng mga contestant. Hindi nila namalayan na nasagot na ang lahat ng mga salita na pinahuhulaan dahil sa sobrang bilis magsalita ng mga bagets. Pati ang mga hurado ng Pinoy Henyo, nataranta dahil hindi nila ine-expect na mabilis  at mahuhusay sumagot  ang mga estudyante na na-perfect na ang paglalaro ng Pinoy Henyo.

 

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

CARMINA VILLA

ENZO

KATHRYN

NADINE

NADINE LUSTRE

PINOY HENYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with