^

PSN Showbiz

Ara alok na lang ng kasal ang kulang

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

Lumabas sa isang balita na three months on the family way na si Ara Mina courtesy of Mayor Patrick Meneses ng Bulacan, Bulacan. Ang malungkot pa, nakunan daw si Ara kaya ’di natuloy ang pagbubuntis.

Pero sakaling alukin na siya ng kasal ni Mayor Patrick ay payag na siya.

‘‘I’m not getting any younger kaya nga gusto ko na ring mag-asawa. I will be thirty five this May,’’ sabi ng aktres.

Katrina dinadalaw-dalaw lang ni Kris sa bahay

Magda-dalawang taon na ang cute na baby nina Katrina Halili at Kris Lawrence. Gusto na rin nilang masundan ang kanilang anak at umaasa na sana’y baby boy naman ito.

Hindi pa nagli-live-in ang dalawa at magkapitbahay lang sila sa New Manila, Quezon City. Si Kris ang dumadalaw sa kanyang mag-ina sakaling gusto niyang makita ang mga ito.

Pero ayon sa dalawa, gusto muna nilang ma-enjoy ang kanilang baby sa ngayon at baka sa isang taon na lang ito susundan.

Riva umaariba sa Bb. Pilipinas

Isa sa itinuturing na dark horse sa Bb. Pilipinas 2014 sa taong ito ay si Candidate No. 39, Ladylyn Riva ng Aklan. Isa siyang registered nurse at print and commercial model at may maga­gandang adbokasiya gaya ng pagtulong sa mga batang mahihirap at pagpapalago ng turismo sa kanilang lalawigan gaya ng Boracay at ang dinarayong Ati-Atihan Festival.

Si Ladylyn ay isang larawan ng ma­kabagong Pilipina na bukod sa maganda ay mabait at matalino.

Maraming magagandang feedback ang natatanggap namin para kay Ladylyn na bagay lang na maging Bb. Pilipinas.

 

vuukle comment

ARA MINA

ATI-ATIHAN FESTIVAL

BULACAN

CANDIDATE NO

ISA

KATRINA HALILI

KRIS LAWRENCE

LADYLYN RIVA

PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with