^

PSN Showbiz

TJ ipao-opera ang dalawang tuhod

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Tatapusin lang ni TJ Trinidad ang taping ng The Borrowed Wife at ipapa-opera na ang dalawang tuhod na parehong may diperensiya. Magkaiba ang prosesong gagawin sa mga tuhod ng aktor, narinig naming may torn sa left knee niya at cartilage naman ang aayusin sa right knee.

Dahil sa problema sa mga tuhod, nag-back out si TJ sa pelikulang General Luna at nagpapasalamat na hindi apektado ang taping niya sa kanyang kondisyon. Pero kailangan ng ipa-opera para hindi na lumala.

Microfracture ang tawag sa operasyon na gagawin sa mga tuhod ni TJ, outpatient siya, pero two months ang healing period kaya kailangang tapusin muna niya ang ta­ping ng soap para walang mabibiting trabaho.

Samantala, masaya si TJ na aabot sa 18 weeks ang The Borrowed Wife at posi­bleng ma-extend for two weeks.

vuukle comment

BORROWED WIFE

DAHIL

GENERAL LUNA

MAGKAIBA

MICROFRACTURE

PERO

SAMANTALA

TUHOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with