^

PSN Showbiz

Kapuso events sa Araw ng Dabaw, dinagsa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Libu-libong Kapuso fans sa Davao City ang nag-enjoy sa katatapos lamang na series of shows ng GMA tampok ang naglalakihan nitong stars noong March 14 hanggang 16 na mas nagpakulay sa pag­diriwang ng Araw ng Dabaw.

Pinangunahan ng Primetime royalties na sina Ding­dong Dantes at Marian Rivera, premier dramatic actor Dennis Trillo, at Asia’s Songbird Ms. Regine Velasquez-Alcasid ang iba pang Kapuso stars sa pagbibigay-saya sa Davaoeño viewers sa isa sa pinakamalalaking Kapuso tours sa regions.

Sinimulan ang exciting series of events noong March 14, kung saan nag-perform at nakipagkulitan sa games sina Jennylyn Mercado, Yasmien Kurdi, at Ervic Vijandre ng top rating drama series na Rhodora X sa back-to-back Kapuso Mall Shows na idinaos sa Gaisano Mall of Toril at sa Gaisano Mall of Davao.

Hindi naman nagpahuli ang supporters ng GMA Primetime King na si Dingdong Dantes na kinilig sa pagharana sa kanila  ng idolo sa Gaisano Mall of Davao bilang bahagi ng fans’ day ng aktor. At sa ikatlong pagkakataon ngayong taon, siniguro ni Dingdong na makasasama siya sa isang outreach activity para sa public school students ng siyudad, kung saan ang mga mag-aaral naman mula sa Zonta Elementary School sa Isla Verde, Sta. Ana District ang kaniyang tinulungan.

Kinabukasan, dinumog ang Activity Area ng Abreeza Mall dahil sa kauna-unahang Kapuso Fans’ Day ng Sarap Diva host na si Regine. Himigit-kumulang 5,000 katao ang sumugod sa nasabing fans’ day upang personal na makita at mapanood ang live performance ng Asia’s Songbird.

Maging si Regine ay natuwa sa kanyang pagbisita sa Davao upang muling makita ang kaniyang mga tagahanga, “I haven’t done a show here in a while. Ang tagal ko nang hindi nakapunta rito. Actually after kong ma­nganak, first time ko makabalik that’s why I’m truly excited.”

Sinundan pa ito ng isa na namang successful event sa NCCC Mall of Davao na pinagbidahan naman ng Carmela lead stars--ang GMA Primetime Queen na si Ma­rian Rivera at ang kanyang lea­ding man na si Alden Richards. Kasama nila sa nasabing show si James Wright, ang umawit ng Car­mela theme music na Sana’y Ikaw, at ang komedyanteng si Boo­bay na siyang naging host.

Pagdating nung March 16, pumarada sakay ng dalawang GMA floats sina Marian at Alden, kasama sina Camille Prats at Rafael Rosell ng The Borrowed Wife; GMA Artist Center (GMAAC) talents Kim Rodriguez at Kristoffer Martin ng Paraiso Ko’y Ikaw; Max Collins at Luis Alandy ng Innamorata; at Janine Gutierrez, Sunshine Dizon, at Lucho Ayala ng Villa Quintana.

Big time entertainment naman ang inihatid nina Camille, Rafael, Kim, at Kris­toffer sa SM City Davao noong hapong iyon kasabay ng isa pang mall show na kinatampukan naman nina Janine, Sunshine, Max, Luis, at Lucho sa Gaisano Grand Citimall Ilustre, Davao City.

At bilang huling hirit sa Araw ng Dabaw, isang Kapuso Night sa SM City Da­vao ang idinaos kung saan pinagkaguluhan si Dennis kasama si Lauren Young.
Matapos ang naturang makulay na festival, sumunod naman ang Alimango Festival ng Lanao del Norte. Isang Kapuso Barangayan kasama ang award-winning GMAAC talent na si Rocco Nacino at si Gladys Guevarra ang ginanap sa Municipal Ground ng Lala noong March 20 at naroon din para sa Miss Lala 2014 Pageant Night noong March 21 sa parehong venue si Michelle Madrigal.

Noong March 22, isang Kapuso Educational Fair ang idinaos sa Centrio Mall ng Cagayan de Oro na dinaluhan nina Isabelle Daza ng Taste Buddies at Mike Tan mula sa Kambal Sirena.

At sa March 31, handang-handa na ang Davao del Norte sa pagdiriwang nito ng Araw ng Panabo na magkakaroon naman ng isang Kapuso Fiesta. Makakasama roon ang phenomenal Tom-Den love team (Tom Rodriguez and Dennis), pati na rin sina Glaiza de Castro at  Gladys Guevarra. Magsisimula ito sa ganap na 6 p.m. sa Panabo Gym.

vuukle comment

ABREEZA MALL

ARAW

DAVAO

DAVAO CITY

GAISANO MALL OF DAVAO

GLADYS GUEVARRA

KAPUSO

MALL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with