^

PSN Showbiz

Alisto tuwing Martes na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mapapanood na ang Alisto sa bago nitong timeslot, tuwing Martes simula Marso 25, kasama si Arnold “Igan” Clavio sa paglalantad ng mga makapigil-hiningang eksena, madugong mga disgrasya, at mga pasaway na motorista.

Idinisenyo ang mga pedestrian lane para sa mas ligtas na pagtawid sa kalsada, pero may mga taong inaabot pa rin ng disgrasya. Sino nga ba ang pasaway kaya patuloy na nagkakaroon ng ganitong mga trahedya?

Huling-huli naman sa CCTV camera ang pagtilapon ng dalawang tao matapos salpukin ng isang sasakyan sa Davao City, gayundin ang pagkakabundol ng humaharurot na motorsiklo sa isang lalaki.

Tampok din ang isang insidente kung saan nauwi sa sapakan ang away ng dalawang driver sa Davao City at ang pagsiklab ng rambol ng ilang mga kabataan sa kabila ng pagdating ng mga pulis.

Ilang pasaway na driver naman ang sige pa rin sa pakikipag-karera kaya ang madalas na resulta ay salpukan sa kalsada. Ano nga ba ang mga dapat tandaan para mas maging ligtas ang biyahe ng mga motorista?

Abangan lahat ng ito at palaging maging Alisto kasama si Arnold Clavio sa bago nitong timeslot, tuwing Martes, pagkatapos ng Saksi, sa GMA 7.

 

vuukle comment

ABANGAN

ALISTO

ANO

ARNOLD CLAVIO

CLAVIO

DAVAO CITY

HULING

IDINISENYO

IGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with