^

PSN Showbiz

Max mas gaganda pa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Abangan ngayong Martes ng hapon sa GMA 7 ang pagbabago sa buhay ni Max Collins.  

Tuluyan na ngang gaganda si Esperanza (Max) dahil sa kwintas. Susubukan niyang lumabas ng bahay at kahit matindi ang sikat ng araw ay hindi siya makakaramdam ng kahit anumang hapdi. Pagbabalaan naman siya ni Manang Belen na dapat walang makakaalam tungkol sa kwintas at ang kapangyarihan nitong sanhi ng kanyang paggaling at pagganda. Maikikuwento ni Manang Belen kay Esperanza ang nangyari sa kanyang senyorita Alejandra na tulad niya ay pinaganda ng mahiwagang kwintas ngu­nit nang malaman ng buong bayan ang tunay niyang anyo ka­pag nahuhubad ang kwintas ay walang awang sinunog ito at namatay.

Dadalaw naman si Dencio kay Esperanza sa mansyon ngunit si Manang Belen ang haharap sa kanya. Sasabihin ng matanda na wala si Esperanza. Makikita ni Dencio ang magandang Esper na nakasilip sa nakasiwang na bintana at ipagtatanong niya kay Manang Belen kung sino ito. Pamangkin niyang si Clara ang magiging pakilala ni Manang Belen sa magandang Esper. Magtataka si Dencio. Malalaman kaya ni Dencio na si Clara ay ang matalik niyang kaibigan na si Esperanza?

Bukas naman, Miyerkules, ay makikilala na ni Delia ang magandang Esper bilang ang pamangkin ni Manang Belen na si Clara. Magagalit ito dahil hindi man lang nagpaalam si Esper na aalis at nagpatira pa nang hindi nito kamag-anak. Kahit gusto ni Esperanza na sabihin kay Delia ang totoo, wala siyang magagawa kundi ilihim ang kanyang sikreto para na rin sa kaligtasan niya. May mga kababalaghan na mararanasan si Delia sa mansiyon tulad ng isang babaeng magpapakita sa kanya na ikakatakot niya at malalaman niyang ang babae sa portrait na nasa basement ang nagpakita sa kanya.

Samantala, Esperanza discovers na sa tuwing huhubarin niya ang kwintas ay bumabalik siya sa dati niyang hitsura. Ipapakita niya kay Manang Belen ang kanyang natuklasan, ang hindi nila alam nasa basement si Delia at akmang sisirain ang portrait. Kasabay nang pagtanggal ni Esper sa kwintas ay ang pag-iba ng anyo ni Alejandra sa portrait. Magugulat at matatakot si Delia sa nakita kaya magdedesisyon itong umalis na ng mansyon.

Makukulong naman si Cenon dahil sa ginawa nito sa asawa niyang si Alice. Sa pagkakakulong kay Cenon, matinding galit ang mararamdaman ni Gina sa ina. Hanggang saan aabot ang pagkasuklam ni Gina kay Alice? Abangan ang kuwento sa buhay ng misteryosang babae na naghahanap ng tunay na pagmamahal.

Love Radio paboritong pakinggan ng JAM riders

Nag-No. 1 sa survey bilang favorite radio station ng mga pasaherong sumasakay sa JAM Liner ang Love Radio (90.7 FM) ng Manila Broadcasting Company (MBC). Nag-tie naman para sa second place ang YES FM (also from MBC) at ang MOR 101.9 ng ABS-CBN. Third place naman ang Magic 89.9 ng Quest Broadcasting, Inc.

Ginawa ang survey sa halos 10,000 pasahero ng JAM na sumasakay sa rutang Manila-Laguna-Batangas-Quezon.

Nakakuha ang Love Radio (or 90.7 FM) ng 32% of the votes for favorite radio station, habang ang YES FM (or 101.1 FM) at MOR (or 101.9 FM) na nag-tie ay parehong nakakuha ng 24%. Nakuha naman ng Magic 89.9 FM ang 13% ng boto.

Ang kompanya ng JAM ay nagdadala ng halos. 1.3 million passengers sa isang buwan o halos 16 million na pasahero taun-taon. Karamihan dito ay galing sa kanilang terminal sa Cubao (Quezon City), Buendia (Pasay City), at Turbina (Laguna).

Ang survey para sa paboritong FM station sa bansa ay bahagi ng  “JAMpacked sa serbisyo, JAMpacked sa saya” slogan ng JAM para sa kanilang mga pasahero.

 

vuukle comment

ABANGAN

ALEJANDRA

CLARA

DELIA

DENCIO

ESPER

ESPERANZA

LOVE RADIO

MANANG BELEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with