^

PSN Showbiz

Kaye hindi pa ready na mag-asawa

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Ang magkasintahang Kaye Abad at ang singer na si Guji Lorenzana ang isa sa mga showbiz couple na nagkahiwalay sa taong ito at ito’y personal na kinumpirma mismo ng aktres sa kanyang recent guesting sa Kris TV.

Walang detalye na ibinigay si Kaye kung ano ang naging dahilan ng kanilang break-up. Nanghinayang naman ang malalapit na kaibigan ng dalawa sa kanilang breakup.

Si Kaye ay isa sa mga star ng top-rating TV drama series na Annaliza. At 31, hindi pa umano ready si Kaye mag-settle down.

Anne tanggap sa pilit na boses

Actress-TV host and in-demand celebrity endorser Anne Curtis is in for another surprise sa kanyang upcoming major concert na pinamagatang The Forbidden Concert Round 2: Annekapal na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum on May 16. Ito’y joint production ng Viva Live at Annebisyosa Productions, Inc. na pag-aari mismo ni Anne.

Ang nasabing major concert ay itataon din sa paglabas ng kanyang bagong album na pinamagatang The Forbidden Album na kasama sina Christian Bautista, Billy Crawford, Marcus Davis, at Teddy Corpuz.

Hindi man pang-concert ang level ng boses ni Anne, tanggap ito ng kanyang mga tagahanga kaya expect ano­ther full house sa kanyang darating na concert sa Big Dome. Kahit ayaw pang i-reveal kung sinu-sino ang magiging special guests.

Julia walang paki kahit ’di pa magdyowa

Magna-19 years old na si Julia Montes this March pero wala pa rin siyang boyfriend dahil hindi ito ang kanyang priority sa ngayon kundi ang kanyang career. 

Si Julia ang tumatayong breadwinner sa kanyang pamilya.

Balik-tambalan sina Julia at Coco Martin sa soon-to-start TV drama series na Ikaw Lamang, pagkatapos ng malaking tagumpay ang unang tambalan nila sa hit tele­seryeng Walang Hanggan na nauwi pa sa kanilang pagsasama sa pelikula.

 

vuukle comment

ANNE CURTIS

ANNEBISYOSA PRODUCTIONS

BIG DOME

BILLY CRAWFORD

CHRISTIAN BAUTISTA

COCO MARTIN

FORBIDDEN ALBUM

FORBIDDEN CONCERT ROUND

KANYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with