^

PSN Showbiz

Richard magiging visible na!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Napagod din sa kababakasyon si Richard Gutierrez. May pelikula itong nagawa for GMA Films kasama si Lauren Young. Nakatakda itong mapanood soon kaya magiging visible na rin si Richard para sa promo ng kanyang movie.

Samantala, talagang walang balak si Lauren na sundan ang bakas ng kanyang kapatid na si Megan Young na nanalong Miss World. Abala ito sa kanyang pag-aaral at bagaman at inaamin niyang nahihirapan siyang pagsabayin ang studies niya at work, wala siyang choice dahil kahit gaano katagal abutin ay talagang tatapusin niya ang kanyang kolehiyo. “Better late than never,” sabi niya.

Kasama si Lauren sa pelikulang natapos ni Richard para sa GMA Films, ang Overtime na mainstream at hindi indie. Hard action ito at hindi isang love story na kung saan ay mapapasabak na naman sa mahihirap na eksena ang aktor.

Althea Vega mag-isang Pinoy na rarampa  sa British Academy

Kundi pa sa isang British film na pinamagatang Metro Manila ay hindi pa makakapunta ng London ang aktres na si Althea Vega na may pangunahing role sa pelikula na sinulat at dinirek ng British na si Sean Ellis. Mag-isa siyang Pinoy na magiging kinatawan ng pelikula sa gaganaping British Academy of Film and Television Arts (BAFTA) sa Peb. 18.

Nominado ang pelikula sa Best Film not in the English Language category. Sa mga hindi nakapanood ng movie, Tagalog ang lenggwaheng ginamit sa buong pelikula na kinunan ng buo sa bansa at nagtatampok sa isang payak na pamilya na nangarap ng magandang buhay kaya iniwan ang kanilang buhay sa probinsiya at nakipagsapalaran sa Maynila. Bukod kay Althea tampok din sa Metro Manila sina Jake Macapagal at John Arcilla.

First time ng aktres na pumunta ng  London para dumalaw sa isang international awards ceremony. Naimbita na ang pelikula sa iba’t ibang international filmfest.

‘Ikaw Na’ ni Boy tatanggalin kung kailan nakasanayan na

Kung kailan naman nasanay na ang mga manonood ng late news prog­ram  na Bandila ng ABS-CBN sa presence ng talk show host na si Boy Abunda  at sa segment nitong Ikaw Na at saka naman siya tatanggalin sa show dahil may daily show silang gagawin ni Kris Aquino, ang A&A Tonight, isang 15 mi­nutong  pagbabalita tungkol sa kaganapan sa local entertainment. Sayang naman ang Ikaw Na dahil ginawan pa ito ng theme song ni Vehnee Saturno na nilagyan din niya ng ly­rics.

 

vuukle comment

A TONIGHT

ALTHEA VEGA

BEST FILM

BOY ABUNDA

BRITISH ACADEMY

BRITISH ACADEMY OF FILM AND TELEVISION ARTS

ENGLISH LANGUAGE

IKAW NA

METRO MANILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with