Deniece inconsistent!
Seen : Kumbinsido ang NBI na biktima ng set up si Vhong Navarro at ang CCTV ng Forbeswood Heights Condominium ang kanilang ebidensiya.
Base sa CCTV, nakaalis si Deniece Cornejo sa condo unit nang dumating si Cedric Lee kaya hindi raw kapani-paniwala ang claim nito na naabutan niya si Vhong na hubad at nakakubabaw sa nanlalaban na dalaga.
Scene : May public clamor na ilabas ng NBI ang pangalan ng ibang lalaki na kasama nina Cedric Lee at Zimmer Raz sa pambubuntal kay Vhong Navarro para hindi sila makatakas sa kanilang mga pananagutan.
Seen : Ang komento ni Richard Gomez tungkol sa kaso nina Vhong Navarro, Cedric Lee at Deniece Cornejo: Ang gawin nilang 3 at mag-file ng kaso sa korte. Kung sino ang mahusgahan na may sala, ‘yun ang bugbugin natin ng sabay-sabay. Game kayo!?
Scene : Rape at hindi na basta attempted rape ang kaso na isinampa kahapon ni Deniece Cornejo laban kay Vhong.
Kinontra ni Deniece ang sarili dahil sa mga unang interbyu sa kanya, malinaw ang sinabi niya na muntik na siyang gahasain ni Vhong.
Consistent si Deniece sa kanyang inconsistencies.
Seen : Dawit sa gulo ang nananahimik na pamilya ni Deniece Cornejo dahil lumitaw sa mga balita ang negative stories tungkol sa kanyang mga kamag-anak.
Scene : Nakikipag-agawan ng espasyo ang mga tweet ni Kat Alano tungkol sa rape. Ex-co-host si Kat ng Wowowee.
Seen : Sumali sa special auditions kahapon ng Pinoy Big Brother ang panganay na anak ni AiAi delas Alas na si Sancho.
Aspiring star ang anak ni AiAi.
Scene : Nag-renew kahapon si Anne Curtis ng kanyang exclusive contract sa ABS-CBN.
Ang Dyesebel ang unang project ni Anne sa Kapamilya Network matapos ang renewal ng kanyang kontrata.
- Latest





















