^

PSN Showbiz

Deniece matipid sumagot sa Kapamilya, mas komportable sa Kapuso!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

Seen : May mga lumalabas na ang mga impormasyon tungkol kay Cedric Lee dahil sa pambubugbog kay Vhong Navarro. Kasama ni Cedric sa pambubugbog noon kay David Bunevacz ang kanyang business partner na si Tyrone Ong na nakakulong ngayon dahil sa graft case na kinasasangkutan ni ex-PNP Chief  Avelino Razon, Jr. Sangkot din si Tyrone sa Euro-gene­rals scandal noong 2008.

Scene :  Walang ebidensiya na sangkot si Cedric Lee sa pagkalat ng sex video scandal ni Hayden Kho, Jr. noong 2009. Ang kaibigan ni Hayden na si Eric Cua ang suspect sa pagkalat ng mga sex video ni Hayden. Sa blotter ng Taguig City Police tungkol sa attempted rape na ibinibintang kay Vhong Navarro, lumitaw na Cua ang middle name ni Cedric.

Seen : Ang pahayag noon ng legal counsel ni Dr. Vicki Belo na si Atty. Adel Tamano na hindi nila kinagat o pinatulan ang banta ng isang grupo na ilalabas ang sex video ni Belo at Kho kapag hindi nagbigay ng P4 million.

Scene : Nag-television station tour noong Lunes sina Cedric Lee at Deniece Millinette Cornejo para kontrahin ang mga pahayag ni Vhong Navarro. Nanindigan sina Cedric at Deniece na tinangka ni Vhong na gahasain ang dalaga.

 Seen : Matipid si Deniece Cornejo sa pagsagot sa mga tanong sa panayam sa kanya ng ABS-CBN reporter na si Jay Ruiz. All-out ang pagsagot ni Deniece sa interview sa kanya ni Kara David ng GMA 7. Dating empleyado ng GMA 7 ang isang kamag-anak ni Deniece.

Scene : Serious illegal detention ang isa sa mga kaso na isasampa ni Vhong Navarro laban kina Cedric Lee at Deniece Cornejo. Non-bailable offense ang serious illegal detention, ang kaso na isinampa ni Benhur Luy laban kay Janet Lim-Napoles kaya nakakakulong ito.

Seen :  Pormal na ipinakilala kahapon si Jodi Sta. Maria bilang bagong celebrity endorser ng Flawless.

Scene: Ang surprise visit ni Robert de Niro sa Pilipinas para sa launch ng Nobu Hotels Manila. Co-owner  ang sikat na Hollywood actor ng Nobu Hotels. Ang Maynila ang kauna-unahang location ng Nobu Hotels sa Asia.

vuukle comment

ADEL TAMANO

ANG MAYNILA

AVELINO RAZON

BENHUR LUY

CEDRIC

CEDRIC LEE

DENIECE

DENIECE CORNEJO

NOBU HOTELS

VHONG NAVARRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with