^

PSN Showbiz

Vhong inooperan ng P5 M para manahimik?

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Balak nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos na magbakasyon sa New Zealand sa summer.

Naka-schedule kasi roon ang pagsali ni Ryan sa triathlon at gusto na rin niyang isama ang buong pamil­ya para makapagbakasyon sila.

Sana makabuo na raw sila roon ng bunso ni Baby Lucho.

Kaya todo-kayod daw muna sila ngayon na isa sa pinagkakaabalahan ni Ryan ay ang Picture Picture na mas lalong naging kuwela tuwing Sabado.

PAK: Hindi na raw hahawakan ni Tony Boy Cojuangco ang Cinemalaya 2014 kaya ginawang August ang taunang film festival ng mga indie film?

Ang gobyerno na raw ang hahawak nito kaya hindi pa alam kung ganun pa rin ba o mababawasan na ang seed money na ibinibigay sa mga filmmaker.

Nalulugi nga kaya si Tony Boy sa taun-taong pagpu-produce niya ng Cine­malaya?

BOOM: Totoo kayang nagagalit na raw ang mga business partner ni Cedric Lee dahil nauungkat na ang mga negosyo nila dahil sa gulong kinasangkutan nito kay Vhong Navarro?

Kaya ang latest na narinig namin may nag-aayos na raw na bibigyan daw ng malaking halaga si Vhong para manahimik na lang.

Ang dinig namin ay naghahanda sila ng limang milyong piso para tumahimik na lang si Vhong.

Marami kasing mga negosyong makakalkal kapag patuloy na pag-usapan itong pagkakabugbog kay Vhong.

vuukle comment

BABY LUCHO

CEDRIC LEE

JUDY ANN SANTOS

KAYA

NEW ZEALAND

PICTURE PICTURE

RYAN

RYAN AGONCILLO

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with