^

PSN Showbiz

Anak ni Ogie nakakabilib!

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Anak daw ni Ogie Alcasid ay nagtatrabahong food server sa Australia? O may problema ba kayo rito? Nakakabilib nga ang bata dahil kahit may amang may maraming pera ay nagtatrabaho sila para kumita. I’m sure proud sa kanyang anak si Ogie.

Ganito tayong mga Pinoy sa maraming bansa sa labas ng Pilipinas. Nagta­trabaho tayo para mabuhay. Pero wala tayong dapat ikalungkot dahil independent tayo, walang inaasahang iba bukod sa ating mga sarili para mag-survive.

This is what life is about, surviving. At least alam natin kung paano mabuhay ng marangal. Kayo ba, ganun din?

Revillame hindi na dapat pinakikialaman!

Hindi naman porke balitang ipinagbibili ni Willie Revillame ang ilan sa kanyang ari-arian tulad ng yate, eroplano, at ang mansyon niya sa Tagaytay ay naghihirap na siya. Baka kaya gusto niyang ibuhos sa iisang negosyo na lamang tulad ng kanyang Wil Tower Mall ang lahat niyang pera para makapag-concentrate siya at hindi ’yung kalat-kalat ’yung iniisip niya at pinagbubuhusan ng panahon.

Nakapagtataka lamang na sa halip na ituon natin ang ating pansin sa maraming mas importanteng bagay ay gusto pa nating pakialaman ang maraming bagay na wala tayong pakialam.

Please naman, hayaan na natin ang ating mga artista. Matuwa na lamang tayo sa mga tagumpay nila at malungkot sa kabiguan nila.

 

vuukle comment

ANAK

GANITO

MATUWA

NAGTA

NAKAKABILIB

NAKAPAGTATAKA

OGIE ALCASID

WIL TOWER MALL

WILLIE REVILLAME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with