^

PSN Showbiz

Ryan panay ang pakikialam sa kanyang show

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: All out ang involvement ni Ryan Agoncillo sa Picture Pic­ture na itinuturing     niyang bago niyang baby.

Sa mga susunod na episodes ng naturang game show ay ilalabas din ang mga litratong kuha mismo ni Ryan dahil naging hobby din nito ang magkukuha ng mga litrato.           

Excited nga siya sa Picture Picture dahil napapansin na raw ito sa ibang bansa kaya sana matuloy daw ang pagkuha ng franchise para meron naman daw mapapasikat na game show na galing sa Pilipinas at ito pang Picture Picture ng GMA 7.

PAK: Namataan namin si Keanna Reeves sa taping ng Picture Picture nung isang gabi na nag-iisa lang.

Binati namin kung nasaan ang bagets na boyfriend niya, sinabi nitong hindi pa rin daw sila bati.

Nagselos daw kasi itong boyfriend niya sa ilang lalaking na-link sa sexy comedienne.

May basketball player daw na pinagselosan ang 19-year-old BF niya at pinag-awayan daw nila iyon.

Binato raw ang cell phone niya at sinira ang SIM card kaya natagalan bago na-contact uli si Keanna. Kaya behaved daw muna ngayon ang sexy star dahil galit pa rin sa kanya itong bagets niyang boyfriend.

“Ang ganda ng lola n’yo ’di ba?” sabi lang niya.

BOOM: Napikon si Mark Herras sa ilang fans na nagagalit dahil ang buong akala raw nila ay nakipagbalikan ang aktor kay Ynna Asistio.

Sa presscon ng Rhodora X, hindi napigilan ni Mark na magsalita nang matindi nang tinanong namin sa kanya ang tungkol sa mga ipino-post ng ilang fans na nagagalit sa kanya.

Pahayag ng Kapuso actor: “Wala naman talaga silang karapatan para pakialaman ’yung buhay ko ’di ba?”

Ang ibig lang niyang sabihin, hindi naman daw niya kaila­ngang ipaliwanag pa kung ano ang desisyon niya pagdating sa love life. Hindi naman daw sila nagkabalikan ni Ynna pero napanatili raw nila ang magandang friendship.

Ang seryosong pahayag ng dancer-actor, “Medyo nakakapikon na kasi ang ibang tao na sinasabi pa nila na ginagamit ko raw si Jen para bumalik ang career ko. Never ko naman talaga ginamit si Jen sa trabaho.

“Dun sa mga taong masyadong pinapakialaman ang personal kong buhay, wala naman silang pakialam kasi naging close naman ako sa family ni Ynna, kaya Tita Nads (Nadia Montenegro).

“Kung gusto ko pumunta run ng Pasko, kung gusto ko pumunta dun ng New Year, o kahit walang okasyon, gagawin ko kasi hindi ko naman kailangang pagbawalan ang sarili ko sa ibang tao kasi mahal ko rin sila.”

vuukle comment

DAW

KEANNA REEVES

MARK HERRAS

NADIA MONTENEGRO

NAMAN

NEW YEAR

NIYA

PICTURE PICTURE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with