^

PSN Showbiz

Korina mag-aaral muna!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Confirmed, tututok pala muna sa pag-aaral si Ms. Korina Sanchez kaya mawawala muna ito sa ere.

At ang ‘press release,’ matagal na raw itong nagpaalam sa ma­nagement para sa nasabing pag-aaral niya.

Pero iba ang sabi ng source tungkol sa pagkawala ng mga programa ni Ms. Korina sa ere. Talaga raw inayawan na ito ng Kapamilya.

Kababalik lang daw ng bansa ni Ms. Korina galing sa bakasyon kasama ang hubby niyang si Sec. Mar Roxas na tulad niya ay naging kontrobersiyal din sa mga nangyari sa super typhoon Yolanda.

Sakto palit sa Rated K

Iba’t ibang usapin tungkol sa lipunan at buhay pa­milya ang tatalakayin ng kwelang tambalan nina Kaka Marc Logan at Chang Amy Perez tuwing umaga sa pinakabagong magazine-talk show na Sakto sa DZMM simula ngayong Lunes (January 6). Ang programang ito ang kapalit ng prog­rama ni Ms. Korina sa DZMM na Rated Korina.

Sina Marc at Amy na nga ang bagong kasangga ng mga tagapakinig na maghahain ng eksaktong impormasyon at kwentuhan na ha­haluan pa ng halakhakan. Tiyak na maganda ang gising ng bawat isa sa Sakto dahil nag-uumapaw ito sa mga   kuwentong bida ang masa, nakakaaliw na segments, at diskusyunang kakapulutan ng aral ang prog­ramang papalit sa Rated Korina.

Isa sa segments nito ang Panalo Ka Diyan kung saan puwedeng ipagmalaki ng mga magulang ang tagumpay at kahit anong achievements ng kanilang mga anak.

Hindi naman pahuhuli ang mga haligi at ilaw ng tahanan dahil sila naman ang bibida sa Tay Naman at Nay Ko Po.

Sagot na rin nina Marc at Amy ang mga ideya para sa weekly budget at recipe ng mag-anak sa segment na Lutong Bahay, habang itatampok naman sa Guest Who  ang ilan sa mga tumi-trending na perso­nalidad.

 Bukod riyan, masasaksihan din ang pagiging tunay na ama at ina nina Marc at Amy dahil sila mismo ang magbibigay ng solusyon sa mga pangkaraniwang problema ng kapwa nila mga magulang.

Kabangga ni Korina bago siya nawala sa ere sina Arnold Clavio at Lala Roque na matalas ang dila sa mga nangyayari sa paligid. Eh si Ms. Korina noon hindi siyempre basta-basta maka­banat dahil nga nasa posisyon ang kanyang mister na si Sec. Roxas.

Kris lumambot dawn ang makausap ng channel head ng Kapamilya

May update ang source ko tungkol sa paglipat ni Kris Aquino sa GMA 7. Bago pala ito umalis papuntang London, England ay nagkausap ito at ang channel head ng ABS-CBN na si Ms. Cory Vidanes. Ayon sa source, med­yo lumambot daw ito sa huling pakikipag-usap sa exec ng Kapamilya Network. Sa naunang sinabi ng source, 90% sure na si Kris sa paglipat sa GMA.

Eh naging masigasig ang fans ni Kris at nakikiusap na ‘wag daw siyang aalis ng ABS-CBN dahil hindi na nila ito mapapanood sa TFC kaya sabi ng source baka raw matakot si Kris at magbago ang isip.    

                               

 

vuukle comment

ARNOLD CLAVIO

KORINA

MS. KORINA

RATED KORINA

SAKTO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with