^

PSN Showbiz

Nakakabaliw na pag-ibig sa Crazy Love

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Subaybayan ang kuwento ng dalawang pusong parehong nakakulong sa re­las­yong nakakasakal at mahahanap ang inaasam na kalayaan sa isang bawal na pagmamahalan na nagsimula noong Lunes (Nov. 4) sa Asia­novelang nakakabaliw sa ganda, ang Crazy Love, sa Umaganda ng ABS-CBN.

Si Michelle ay may perpektong pamilya na unti-unting sisirain ng mga taong nakapa­ligid sa kanya. Sa kabila ng pagkakaroon ng mapagmahal na asawa at anak, siya ay may bi­ye­nang pilit isusumbat ang hindi niya pagkakaroon ng lalaking anak. Dadagdag pa rito ang isang kaibigang dadarangin sa tukso ang kanyang mismong asawa.

Si Rupert naman ay isang matagumpay na abogadong nakatali sa isang asawang ubod ng selosa. Dahil sa isang sitwasyon ay napilitan siyang pakasalan ang babaeng hindi niya naman mahal.

 Sa mga oras na parehong nanghihina ang kanilang mga puso, mahaha­nap nila ang isa’t isa at isang bawal na pag-ibig ang mamumuo.

Ano ang gagawin mo kapag ang taong nakatakda sa iyo ay nakilala mo sa panahong nakatali na ang iyong puso?

Inawit ng unang The X Fac­tor Philippines grand winner na si KZ Tandi­ngan ang theme song ng serye na pinamagatang Bakit Lumuluha?

Mapapanood ito ng 10:15 p.m.

vuukle comment

ANO

BAKIT LUMULUHA

CRAZY LOVE

DADAGDAG

DAHIL

SHY

SI MICHELLE

SI RUPERT

X FAC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with