^

PSN Showbiz

Carla at Geoff nagkakalamigan?!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Magmimistulang talk show ang Sarap Diva sa Sabado dahil sa mga special guest ni Regine Velasquez na sina Andrew E. at Dennis Padilla.

Bukod sa mga inihanda nilang specialty na dish, ibinahagi ng rapper kung paano siya naging shareholder sa Facebook at siya nga ang kauna-unahang Pinoy na may share sa sikat na social networking site.

Si Dennis naman ay sinagot kung paano nila napanatiling maayos na magulang sa kanilang mga anak kahit matagal na silang hiwalay ni Marjorie Barretto at nagkuwento rin ang komedyante ng bago niyang karelasyon na isang Fil-Australian at nagkaroon na sila ng isang anak.

PAK: Marami ang nagtaas ng kilay sa pag-open ni Phoemela Baranda na meron na siyang 15 taong gulang na anak. Fifteen years niyang itinago dahil maganda pa noon ang modeling career niya.

Kung patuloy pa rin bang namamayagpag ang career niya, ilalabas pa rin ba niya ito? Kaya ang reaksiyon ng karamihan sa pag-amin niyang meron na siyang anak: “Ano naman ngayon?”

BOOM: Dahil sa uso ngayon ang hiwalayan, ang susunod namang hinuhulaang malamang na mag-break ay sina Geoff Eigenmann at Carla Abellana.

Nakikita naman daw ang closeness nila pero may ilang nakapansin sa kakaibang kilos nina Carla at Tom Rodriguez sa nakaraang My Husband’s Lover concert nila.

Hindi nga namin napansin ’yun pero merong nagpadala ng screen grabbed shots ng naturang concert na unang humahawak si Carla sa baywang ni Tom at hinawakan din ito ng huli.

May malisya daw ang hawakan nila na parang merong kakaibang “something” sa kanilang dalawa.

Baka malisyosa lang ang mga nakapansin nito, unang reaksiyon namin. Pero nang ipinadala sa amin ang mga litratong ’yun, aba, namalisyahan din kami.

Umalis si Carla na nagbakasyon sa Europe na mommy ang kasama at wala si Geoff. Kaya lalong napagdudahang mukhang nagkakalamigan na ang dalawa.

Tingnan na lang natin.

vuukle comment

ANDREW E

CARLA

CARLA ABELLANA

DENNIS PADILLA

GEOFF EIGENMANN

KAYA

MARJORIE BARRETTO

MY HUSBAND

PHOEMELA BARANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with