Daniel at Kathryn ire-remake aNg Magic Temple
Mukhang nalilinya ang Star Cinema sa paggawa ng mga remakes. Nauna nang napabalita na si Angel Locsin ang gaganap muli ng Darna sa pagsasaÂpelikula nito ng Star Cinema.
At kung si Angel Locsin ang makabagong Darna, ang magkaparehang DaÂniel Padilla at Kathryn Bernardo ang magiging tampok sa remake ng Magic Temple na pinagbidahan nun nina Jason Salcedo at Anna Larrucea kasama sina Junell Hernando at Marc Solis.
Iniisip ng Star Cinema na gawing franchise ang Magic Temple na magtatampok ng limang istorya sa isang pelikula.
Vic proud na kay Pauleen
At long last, wala nang pagtatago kay Vic Sotto ng relasyon nila ni Pauleen Luna. Sorry sa mga detractors ng magandang dabarkads dahil minarapat na ng karelasyon nito na ilagay na in the open ang kanilang ng relasyon na dati ay haka-haka lamang ng marami sa pamamagitan ng pag-ieskort dito sa premiere night ng pelikula nitong Gaydar, isa sa tatlong pelikula na itinanghal sa QCinema. Hindi rin naging madamot ang Eat Bulaga host sa pagsasabi na suportado niya ang pelikula ni Pauleen na inenjoy nitong pagtrabahuhan.
Isang malinaw na indikasyon ng isang relasyon ang pagsasama ng dalawa sa publiko na matagal nilang iniwasang gawin in the past o kung ginawa man nila ay hindi ganun ka-open.
Carmen Soo hindi nalilimutan ang paboritong adobo at pinakbet
Nakita sa premiere night ng AlagÂwa ang Malaysian actress/model na si Carmen Soo. Sa kabila ng kanyang kaabalahan ay dumating ng bansa ang leading lady ng Alagwa na nagtatampok kina Jericho Rosales, Bugoy Carino, Leo Martinez , atbp.
Limang taon nang gumagawa ng pelikula rito at mga palabas sa TV si Carmen, sa tagal niyang nagtatrabaho rito ay itinuturing niyang second home na ang Pilipinas. Naging paborito na niyang pagkain ang adobo at pinakbet at mas matatas pang magsalita ng Tagalog sa maraming mas nauna pa sa kanyang mamalagi rito.
Glaiza nangangarap ilagay sa album ang mga sinulat na kanta
Ang ganda naman nung kantang kinompos ni Glaiza de Castro at kinanta niya sa Unang Hirit kamakalawa. Pinamagatang Mad World, isa lamang ito sa mahigit sa 10 compositions niya na hiÂnaÂhangad niyang mailagay sa isang album at mai-release sa bansa.
Paggawa ng kanta ang isa sa mga passion ni Glaiza, bukod sa pag-aartista. Hindi niya pinababayaan ang kanyang banda at kung makakaya ng sked niya ay palagi siyang sumasama sa gig nila sa gitna ng pagkakatuwa ng mga nakakapanood sa kanya.
Pagkatapos ng Temptation of Wife at kahit paÂtuloy pa ang paglabas ng chaÂracter niya sa Vampire ang Daddy Ko ay gumagawa na siya ng isang drama series sa GMA News TV. Ito ang Katipunan, na sa titulo pa lamang ay malalaman mo na agad na isang period series.
Coleen nasasapawan ng mga intriga
Makikita na rin finally ng maraming maÂnoÂnood ng sine si Coleen Garcia. Kahit mainstay ito ng It’s Showtime hindi siya madalas mapansin sa show daÂhil nasasapawan siya ng mga co-stars niyang sina Vice Ganda, Billy Crawford, Anne Curtis. Vhong Navarro, Jhong Hilario, Kim Atienza, at Jugs at Teddy. Pero after siyang mapanood sa isang pelikula nina Bea Alonzo, Dingdong Dantes at Enrique Gil makikita na ng marami ang mukha ng isang kabataan na hindi pa man sumisikat ay inaÂabot na ng napakaraming intriga.
Tulad nang maakusahan siyang third party sa hiwalayang Billy at Nikki Gil. Hindi man gustuhin ni Coleen ang sumikat sa pamamagitan ng intriga at kontrobersiya, it seems wala naman siyang choice dahil siya ang hinahabol ng intiriga, hindi siya ang gumagawa nito.
- Latest


























