^

PSN Showbiz

Lea, Sarah, Bamboo at Apl, magpapatalbugan sa ASAP!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bago ang pinakahihintay na final showdown ng The Voice of the Phi­lip­pines sa ngayong gabi, sa concert stage muna ng ASAP 18 maghaharap-harap ang apat na coaches na sina Lea Salonga, Sarah Geronimo, Bamboo, at Apl de Ap para sa isang world-class vocal showdown.

Back-to-back-to-back amazing surprises pa ang ihahatid ng ASAP 18 sa TV viewers kabilang ang makamandag na production number ni Andi Eigenmann kasama ang buong cast ng pinakabagong Kapamilya Gold teleserye na Galema: Anak Ni Zuma; ang naglalagablab na production number ng lead stars ng upcoming primetime drama series na Maria Mercedes na sina Jessy Mendiola, Jason Abalos, at Jake Cuenca; at ang show-stopping performance ng Comedy  Queen at bida ng malapit nang ipalabas na pelikulang Kung Fu Divas na si AiAi delas Alas.

Engrandeng pasasalamat naman ang ihahandog nina Julia Montes, Enrique Gil, at Enchong Dee ngayong Linggo para sa nalalapit na pagtatapos ng top-rating Primetime Bida teleserye nilang Muling Buksan Ang Puso.

Kaabang-abang ang sorpresa ng Alagwa lead star na si Jericho Rosales; at ang grand launch ng Dreaming of You album ng Soothing Voice of Asia na si Juris.

 Hindi rin pahuhuli sa pasiklaban ng talento ang Kapamilya teen stars na sina Kathryn Bernardo, Jane Oineza, Paul Salas, Sharlene San Pedro, Alexa Ilacad, at Nash Aguas na mayroong inihanda na candy fair-inspired smash-up dance number.

Samantala, tiyak na aapaw ang pag-ibig sa  ASAP 18 sa pagbabahagi ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano ng kuwento sa likod ng Have You Seen Her (HUSH) project ng Filipino-American musician na si Brad Go sa With Love Gary V segment.

Makiindak naman sa bawat galaw ng dance floor royalties na sina Maja Salvador at Shaina Magdayao sa supah hot clash dance na MASH; susundan ng show-stopping Supahdance showcase nina Sam Milby, John Prats, Erich Gonzales, Nikki Gil, Iya Villania, Rayver Cruz, Denise Laurel, JC de Vera, Joseph Marco, at Iza Calzado.

Abangan din ang nakamamangha at makatindig-balahibong musical spectacle nina Martin Nievera, ZsaZsa Padilla, Piolo Pascual, Vina Morales, Jed Ma­dela, Erik Santos, Aiza Seguerra, Angeline Quinto, at Charice.

 

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

ALEXA ILACAD

ANAK NI ZUMA

ANDI EIGENMANN

ANGELINE QUINTO

BRAD GO

DENISE LAUREL

DREAMING OF YOU

ENCHONG DEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with