^

PSN Showbiz

Iwa natahimik sa piling ng mga Lacson

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

In fairness kay Iwa Moto, naging tahimik ang kanyang buhay magmula nang maging sila ng ex-husband ni Jodi Sta. Maria na si Pampi Lacson.

Nakapagsilang na si Iwa ng kanilang first baby na isang baby girl na pinangalangang Eve kaya may baby sister na si Thirdy, ang kaisa-isang anak ng estranged couple na sina Jodi at Pampi.

Excited na raw si Thirdy sa kanyang baby sister at nakahanda na siyang maging kuya nito.

Kung masaya si Iwa sa piling ni Pampi, ganoon din naman ang ex-wife ni Pampi na si Jodi sa piling naman ng bagong ka­relasyon nitong vice governor ng Cavite na si Jolo Revilla.

Amy may nakahanda nang trabaho sa Kapamilya

Gaano kaya katotoo ang balitang nakarating sa amin na balik-Kapamilya ang TV host-actress na si Amy Perez matapos itong kumalas sa TV5? May plano umanong pagsamahin sina Amy at Roderick Paulate para mag-host sa Si­nging Bee, originally hosted by Cesar Montano na nasa bakuran na ngayon ng GMA.

Ang dating programa ni Amy sa TV5 na Face to Face ay isa sa mga prog­ramang nag-rate at sinubaybayan ng mga manonood hanggang sa magkaroon umano ng problema ang TV host-actress sa production staff ng program na naging dahilan ng kanyang pag-alis sa Kapatid Network.

Maja manhid na sa mga naninira

Ayaw ni Maja Salvador na magpaapekto sa mga intriga na kesyo meron umanong ibang babae ang boyfriend niyang si Gerald Anderson, ang nakatambal nito sa pelikulang On the Job (OTJ) at baguhang aktres na si Dawn Jimenez. 

Maging si Dawn ay hiyang-hiya sa mga naglabasang intriga dahil wala raw namang katotohanan. Katunayan, pagkatapos ng presscon ng pelikulang OTJ, ay hindi na nakitang muli si Gerald.

Tila manhid na rin si Maja sa mga basher at naninira sa magandang samahan nila ngayon ng kanyang nobyo, ang ex-BF ni Kim Chiu.

Ngayong napatunayan na ni Maja ang kanyang husay sa pag-arte at pagsayaw, singing naman ang kanyang next target na gusto niyang patunayan sa kanyang 10th anniversary in showbiz dahil meron siyang concert tour na pinamagatang Maja Unveils@10. Ito ay pasasalamat sa kanyang fans na sumuporta sa kanya sa loob ng sampung taon.

Si Maja ay siyang nagpapatuloy sa legacy ng mga Salvador clan sa showbiz although aktibo pa rin naman hanggang ngayon ang kanyang tiyuhing si Phillip Salvador at mga pinsan na sina Jobelle Salvador at Ricky Rivero.

Joey ninenerbiyos sa panghuhusga ng mga tao

Pagkatapos ni Vice Ganda na may sarili nang trono sa kanyang kinalalagyan ngayon, next to shine ay ang gay comedian na si Joey Paras na na-discover ng TV and movie director na si Wenn Deramas nang ito’y kanyang mapanood sa stageplay na Bona na pinagbidahan ni Eugene Domingo.

Malaki ang potential ni Joey na sumikat ng husto dahil meron talaga siyang kakaibang ta­lent sa larangan ng pagpapatawa. Matapos ma­bigyan ng iba’t ibang projects sa telebisyon at pelikula, naniniwala si Direk Wenn na panahon nang mabigyan ng launching movie si Joey at dito nabuo ang Bekikang na nakatakdang ipalabas sa Oct. 23.

Mixed emotions ang nararamdaman ngayon ni Joey – nerbiyos at saya sa magiging paghuhusga sa kanya ng mga manonood kapag naipalabas na ang kanyang launching flick.

Leni Santos gustung-gusto pa ring mag-showbiz

Kung may Gladys Reyes si Judy Ann Santos sa Mara Clara, si Leni Santos naman ang kapareha noon ng yumaong si Julie Vega sa Anna Liza na ni-revive ng ABS-CBN. Kasama rin si Leni sa original na Anna Karenina ng GMA.

Although naka-base sa Las Vegas, Nevada si Leni, gusto niyang magbalik-showbiz kung magkakaroon ng pagkakataon.

Si Leni ay hiwalay na sa kapatid ni Jobelle Salvador na si Jeffrey Salvador at may dalawa silang anak. Muling nag-asawa si Leni sa isang Fil-Am pero nauwi rin sa hiwalayan.

Natutuwa si Leni kapag napapanood niya sa TFC at GMA Pinoy TV ang TV remakes ng mga programang kanyang tinampukan.

Ikinuwento rin sa amin ni Leni na umiyak siya ng husto nang kanyang talikuran ang showbiz at mamalagi sa Las Vegas pero sa kalaunan ay nakapag-adjust din siya pero aminado siya na hanggang ngayon ay nami-miss niya ang entertainment world.

vuukle comment

JOBELLE SALVADOR

KANYANG

LAS VEGAS

LENI

LENI SANTOS

MAJA

PAMPI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with