^

PSN Showbiz

Nora kinakawawa!

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Poor Nora Aunor! Dahil lang natalo sa pagka-best actress  sa CineFilipino ay kung anu-ano ng panlalait ang inaabot sa mga tao in general at maski na sa mga non-Noranian press in particular. Eh, hindi naman siguro siya nagkulang sa kanyang perfomance sa pelikula ni Mes de Guzman na Ang Kuwento ni Mabuti, pero hindi lang siya sinuwerte dahil mas pinaboran ng hurado ang acting ng isang baguhang batang babae na gumanap ng bida sa kauna-unahang pagkakataon sa Ang Huling Cha Cha ni Anita.

Ano ba naman kayo? Bakit ba masaya kayo  na may nalulungkot na ibang tao? I’m sure hindi man iniyakan ni Nora ang kanyang pagkatalo, still may naramdaman naman si­guro siyang lungkot sa nangyari. Pinupuri ko na lang na nagpakatatag siya sa kanyang loss and was more than generous sa kanyang papuri sa tumalo sa kanya. Di ba yun ang pinakamataas na papuri na makukuha? At kung siya natanggap ‘yun, bakit hindi ang ibang mga Noranians?

Commercial ng Mcdo, ang lakas ng dating

Umaagaw ng pansin ngayon ‘yung  TV commercial ng  McDonald’s na tampok si Marita Zobel kasama ang isang bata na gumaganap ng role ng apo niya sa TVC na sa aking palagay ay apo niya in real life dahil kamukha niya. Bukod sa maganda ang pagkakagawa ay very refreshing ang concept at walang nakapanood ng video ang hindi nacute-an sa little girl.

Bago ang video na ito ay ang video naman ni Jessy Mendiola para sa spicy chicken  na para rin sa  naturang fast food chain. Napakaganda at  napaka-sexy ni Jessy sa nasabing TVC at napakagandang promo para sa kanyang bagong teleseryeng Maria Mercedes.

vuukle comment

ANG HULING CHA CHA

ANG KUWENTO

ANITA

ANO

JESSY MENDIOLA

MARIA MERCEDES

MARITA ZOBEL

POOR NORA AUNOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with