^

PSN Showbiz

Dong-Yan pahinga muna sa Regional shows

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Record-breaking na maituturing ang Kapuso Fans’ Day ng Primetime King at Queen ng GMA Network na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa taunang pagdiriwang ng Tuna Festival sa General Santos noong September 5.

Dinumog ng humigit-kumulang 6,000 katao ang Events and Convention Center ng KCC Mall of GenSan at hindi magkamayaw sa pagsigaw ang mga manonood nang dumating ang celebrity couple na talaga namang sweet na sweet sa isa’t isa.

“This is the third and the last regional tour we are making together this year and I can say that it was really memorable,” sabi ng award-winning actor na si Dingdong.

“Our first regional trip together was in Batangas for the celebration of the Sublian Festival and the second one was in Tagbilaran, Bohol for the Sandugo Festival,” dagdag ng aktor na itinuturing na masayang experience ang pag-perform sa iisang stage kasama ang kanyang long-time girlfriend.

Samantala, hindi dapat malungkot ang Dong-Yan fans dahil maaari pa rin nilang mapanood si Marian sa iba pang paparating na mall shows ng GMA Regional TV. Ngayong buwan ay nakatakdang lumipad ang aktres sa Naga City para sa pista ng Our Lady of Peñafrancia. Si Dingdong naman ay magiging abala sa kanyang pagbibidahang primetime soap na Genesis, ang papalit sa sikat na sikat na series ng GMA na My Husband’s Lover.

“Talagang nakakataba ng puso ang mainit na pagtanggap nila sa aming dalawa ni Dingdong. Umaasa kami na patuloy nila kaming susuportahan sa future projects namin,” bahagi ni Marian.

vuukle comment

DINGDONG DANTES

EVENTS AND CONVENTION CENTER

GENERAL SANTOS

KAPUSO FANS

MARIAN RIVERA

MY HUSBAND

NAGA CITY

OUR LADY OF PE

PRIMETIME KING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with