^

PSN Showbiz

Charice planong pakasalan si Alyssa

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Ang hinihiling lamang ni Charice ngayong na­lalapit na ang Kapaskuhan ay ang magkasundo na ulit sila ng inang si Raquel Pempengco. Matatandaang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawa nang inilantad ng singer sa publiko ang tunay niyang sekswalidad ilang buwan na ang nakararaan.

“Better than before, kasi before kahit na hindi kami nagkakausap, kumbaga feel na feel mo ’yung sobrang tension. Ngayon medyo kalma na,” pahayag ni Charice.

“Sa ngayon wala pa ’yung face to face na usapan pero siyempre if ever naman hindi ko rin naman sasabihin sa mga tao kung nagkausap na kami. Siguro eventually magugulat na lang na may mga picture na magkasama kami.”

Mayroong mensahe si Charice para sa kanyang ina at nakababatang kapatid na si Carl.

“I just wanna say that I love you Mommy and I love you Carl and I miss you, and ’yung mga kulitan. Sana dahil sa mga nakikita n’yo ngayon, sana hindi na ’yun ang maging reason kung bakit tayo magkakahiwalay because you know this shouldn’t be the reason ’cause I know kung ano ’yung love na meron sa family natin,” emosyonal na pahayag ni Charice.

Samantala, mag-iisang taon na rin ngayong karelasyon ng singer si Alyssa Quijano. Posible raw na magpakasal ang dalawa sa ibang bansa kung mabibigyan ng pagkakataon.

“Noong day na naging kami, dream come true ’yun sa akin. The best ’yun sa akin dahil first time kong naipaglaban ng sobra ’yung taong mahal ko. Ang malinaw sa akin, nakikita ko siya sa future ko. ’Di ko masasabing matagal pa, basta sa akin siya na talaga,” giit ni Charice.

Bimby may offer na ring tv show

Proud na proud si Kris Aquino sa pagsasabing isa siyang stage mother sa bunsong anak na si Bimby. Palagi kasing nakatutok at nakabantay sa anak ang Queen of All Media sa shooting ng kauna-unahang pelikula ni Bimby na Torky and My Little Bossings.

“Ito ’yung first movie ni Bimb, so, gusto ko talaga mag-look back siya fondly on this. Natutuwa siya na siya naman ngayon,” bungad ni Kris.

“Nagbe-behave naman. So, nakaka-proud. Ang gusto ko talaga ’yung lumalawak ang pagtingin niya sa kung ano ang meron sa mundo.”

Komportable naman si Bimby sa katambal na si Ryzza Mae Dizon kahit ngayon pa lamang nagkasama ang dalawa.

“Ang nakita ko lang talaga is nagtutulungan sila pero napapansin ko lang may shyness pa ng konti kay Ryzza. Sinabi niya sa akin ‘Ang name po namin, kasi masa kami, ‘Bi-Ry’. Sabi ko, ‘Okay kung ’yan ang gusto mo, ‘Bi-Ry,’ go,” natatawang kuwento ni Kris.

May offer din daw para kay Bimby sa telebisyon katulad ng Wansapanataym pero ayon kay Kris ay hindi pa maaaring mag-full time sa showbiz ang anak.

“Ayoko lang na mag-suffer ang school because he’s doing well. Okay siya academically ’tapos sa sports he’s on the taekwondo team and nandoon siya sa swim team na. So, prioriti­zing lang talaga ’yan. Ayokong ma-deprive siya of a childhood also kasi puro trabaho. Tingnan na lang natin,” paliwanag ng Queen Of All Media. Reports from JAMES C. CANTOS   

                                                                                             

 

vuukle comment

ALYSSA QUIJANO

BI-RY

BIMBY

CARL AND I

CHARICE

KRIS AQUINO

MOMMY AND I

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with