^

PSN Showbiz

Kakulitan ni Binoy hindi nakakalusot kay Direk

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

Nakakuwentuhan namin si Sharmaine Arnaiz sa set visit ng Binoy Henyo at sinabi nito na natutuwa siya at nakabalik uli sa showbiz kahit tumaba at may asawa’t anak na.

Related kay Dominic Ochoa ang kanyang mister na ang negosyo ay nauukol sa mga pawnshop.

Close siya kay Direk Maryo J. delos Reyes at sina­bihang may ibibigay sa kanyang project gaya ng Mun­ting Heredera, My Beloved, Magdalena, at ito ngang Binoy Henyo kaya nakapagtrabaho uli siya.

Samantala, magaling na bata si David Remo na bida sa Binoy Henyo. Wala siyang kapaguran sa pagsagot sa mga tanong ng ilang press people na duma­law sa set.

Magaling din itong mag-memorize ng mga linya kaya nakakasabay sa pag-arte ng mga kasamahang ar­tista. Madali din siyang umiyak at sinabing inaalala lang na kunwari’y namatay ang kanyang mommy.

Napagsasabihan siya ng direktor kapag makulit na.

Tinanong namin kay Binoy kung nagagandahan ba siya kay Ryzza Mae Dizon. Sabi nito ay cute raw pero ang pinakamaganda sa kanya ay ang “Mommy” Sheena Halili niya. Showbiz na rin ang dating niya, ’di ba?

Natuklasan si David sa komersiyal bago pumasok sa showbiz.

vuukle comment

BINOY

BINOY HENYO

DAVID REMO

DIREK MARYO J

DOMINIC OCHOA

HEREDERA

MY BELOVED

RYZZA MAE DIZON

SHEENA HALILI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with