^

PSN Showbiz

Michael V. malaki ang ibinagsak ng katawan

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Back to work na si Michael V. pagkatapos ng ilang araw na pakikipagbuno sa dengue. Malaki ang ipinayat ng komedyante nang mag-report ito sa taping ng Bubble Gang pero nagpapasalamat siya sa lahat ng nagdasal para sa kanyang mabilis na paggaling.

Gulat na gulat si Michael V. dahil marami raw pala ang nagmamahal sa kanya. Thankful siya sa mga tao na hindi niya personal na kilala pero nagdasal na malampasan niya ang pagsubok. Hindi na talaga niya matandaan kung paano siya nagkaroon ng dengue o ang lugar na may lamok na kumagat sa kanya.

Ang sabi ni Michael V., walang Superman kapag dengue ang usapan.

Tonton muntik nang makipagsalpukan sa ina

Magsisimula na sa Lunes, Sept. 2, ang Bukas na Lang Kita Mamahalin ng ABS-CBN. Kasama sa cast ng bagong teleserye ng Kapamilya Network si Tonton Gutierrez.

Mag-uumpisa naman sa susunod na Lunes, Sept. 9, ang Akin Pa Rin ang Bukas, ang teleserye ng GMA 7. Kasali naman sa cast ng teleserye na pinagbibidahan ni Lovi Poe si Liza Lorena, ang mother dear ni Tonton.

Mabuti na lang at hindi magkatapat ang timeslot ng Bukas na Lang Kita Mamahalin at Akin Pa Rin ang Bukas or else Tonton vs. Liza ang mangyayari. Ang Akin Pa Rin ang Bukas ang kapalit ng Mundo Mo’y Akin at mapapanood ang Bukas na Lang Kita Mamahalin pagkatapos ng Muling Buksan ang Puso. Hindi na kasalanan nina Tonton at Liza na parehong may “bukas” ang pamagat ng kanilang mga coming soon teleserye.

Christopher tutok sa rehearsals

Si Lorenz Martinez ang gaganap na San Lorenzo Ruiz sa musical play na ipo-produce ni Christopher de Leon.

The who si Lorenz? Anak lang naman siya ng mahusay na stage at character actor na si Leo Martinez. Sure ako na kahit baguhan si Lorenz sa pag-arte, mahusay siya dahil namana niya ang galing ng kanyang ama.

Ang rehearsals ng Lorenzo ang pinagkakaabalahan ni Christopher habang hindi pa full blast ang taping ng bagong drama series niya sa ABS-CBN, ang Hanggang Kailan Kita Mamahalin.

Mapapanood ang Lorenzo sa College of Saint Benilde ng De La Salle University sa Sept. 5, 6, 7, 12, 13, at 14.

Si Christopher ang founder ng Oasis of Love Charismatic Community na siguradong susuportahan ang Lorenzo.

Narinig ko ang balita na lilipat na sa Mandalu­yong City ang Oasis of Love Community kaya may plano sila na ibenta ang building nila sa E. Rodriguez Avenue, Quezon City.

Kung tama ang pagkakaintindi ko, si Manila City Mayor Joseph Estrada ang nag-donate sa Oasis of Love Community ng kasalukuyang tahanan nito.

Idea rin daw ni Papa Erap na ilipat sa Emar Suites sa Mandaluyong City ang bagong tahanan ng Oasis of Love. Ang pamilya ni Papa Erap ang owner ng Emar Suites. 

Solusyon sa pampababa ng cholesterol, meron na

Maraming salamat sa mga tumatangkilik sa aking product endorsement, ang Polinol na isang health supplement. Tumutulong ang Polinol sa pagpapababa ng cholesterol kaya rekomendado ko ito sa mga kababayan natin na medyo mataas ang cholesterol sa katawan.

Siyempre, mas effective ang Polinol kapag sinabayan ito ng proper diet at exercise. May mga billboard na ang Polinol pero hindi ko pa nakikita. Maraming salamat nga pala kay Bong Lazo dahil siya ang designer ng mga damit na ginamit ko sa billboard at TV commercial ng Polinol.                                                

 

vuukle comment

AKIN PA RIN

BUKAS

EMAR SUITES

LANG KITA MAMAHALIN

LORENZO

MICHAEL V

OASIS OF LOVE COMMUNITY

POLINOL

TONTON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with