^

PSN Showbiz

ASAP 18 naka-1 M followers na!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lumikha ng kasaysayan kamakailan ang longest-running at no. 1 musical variety show sa bansa na ASAP 18 nang umabot na sa isang milyon ang followers nito sa Twitter. Sa kasalukuyan, ang ASAP 18 lamang ang kaisa-isang TV show sa Pilipinas na may ganito kalaking following sa social media site na sikat sa buong mundo.

Dahil sa bagong milestone na ito, isang engrandeng selebrasyon ang handog ng ASAP 18 ngayong Linggo (Agosto 18) sa TV viewers na linggo-ling­gong ginagawang trending topic ang world-class segments at productions numbers ng programa.

Tiyak na magiging talk-of-the-town ng ASAP 18 followers ang grand farewell treat ng Huwag Ka Lang Mawawala lead stars sa pangunguna ng Pinoy Soap Opera Queen na si Judy Ann Santos at ng kanyang co-stars na sina KC Concepcion at Sam Milby. Susundan ito ng bonggang pasabog na concert treat ng Comedy Concert Queen na si AiAi delas Alas.

Milyun-milyong fans ang tiyak na kikiligin sa romantic serenade ng ilan sa pinakatinitiliang Kapamilya leading men na sina Sam, Jericho Rosales, JC de Vera, at Paulo Avelino; at sa masayang kantahan ng OPM band na Banda Ni Kleggy kasama ang bida ng blockbuster movie na Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo? na si Kim Chiu.

Samantala, tunghayan sa segment ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano na  With Love, Gary V ang nakaaaliw na kuwento ng Youtube sensation na si Cherry Alejandrino, na mas kilala ngayong ‘elevator girl.’

Saksihan ang back-to-back na pasiklaban ng dance moves sa must-watch smash up dance number ng Kapamilya leading lady na si Nikki Gil kasama ang teen stars na sina Julia Barretto, Khalil Ramos, Jane Oineza, Nash Aguas, Jairus Aquino, Francis Magundayao, at Ella Cruz; at sa makapigil-hiningang Supahdance showcase na inihanda nina Shaina Magdayao, John Prats, Rayver Cruz, at Sam Concepcion.

Abangan din ngayong Linggo ang hindi dapat palampasing reunion ng former Freestyle vocalists na sina Top Suzara at Jinky Vidal kasama ang ASAP Covers na sina Aiza Seguerra, Zia Quizon, Paolo Valenciano, at Yeng Constantino; at ang makatindig-balahibong musical spectacle na ihahandog nina Martin Nievera, ZsaZsa Padilla, Erik Santos, Jed Madela, KZ Tandi­ngan, at ng ASAP Sessionistas.

 

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

BAKIT HINDI KA CRUSH NG CRUSH MO

BANDA NI KLEGGY

CHERRY ALEJANDRINO

COMEDY CONCERT QUEEN

ELLA CRUZ

ERIK SANTOS

FRANCIS MAGUNDAYAO

GARY V

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with