^

PSN Showbiz

Binoy Henyo mall tour tagumpay

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naging matagumpay ang ginawang mall show ng cast ng Binoy Henyo last Sunday sa SM Center Valenzuela.

Nagbigay ng aliw sa kanilang mga fans sina Shee­na Halili, Luis Alandy, at Rich Asuncion. Sumayaw naman si Angel Satsumi. Hindi rin nag­pa­talo sa sayaw ang bidang si David Remo ng Gen­tleman na sinabayan din nina Sheena, Luis, Rich, at Angel. Tuwang-tuwa ang mga taong nasa mall sa cast ng palabas ng GMA 7 dahil napasaya nila lahat ang mga fans na nanood ng kanilang mall show.  

Samantala, masakit para kay Agnes (Sheena) bilang ina na malaman na nagtatrabaho ang kanyang anak na si Binoy para lang tumulong sa mga gastusin sa bahay. Gusto ni Agnes na magtanda si Binoy at itigil na ang pagbebenta sa kalsada para na rin sa kanyang kaligtasan. Didisiplinahin ni Agnes ang kanyang anak kahit mabigat sa kanyang kalooban na makitang nahihirapan si Binoy.

Ipapaliwanag ni Agnes kay Binoy kung bakit niya ito pinarusahan. Muli ay matututo si Binoy ng aral mula sa kanyang ina. Mangingibabaw pa rin ang pagmamahal nina Binoy at Agnes kesa sa mga problemang duma­ting sa kanila.

vuukle comment

AGNES

ANGEL SATSUMI

BINOY

BINOY HENYO

CENTER VALENZUELA

DAVID REMO

LUIS ALANDY

RICH ASUNCION

SHEENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with