^

PSN Showbiz

Pauleen at Vic nagba-bonding sa basketball

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Umalis kahapon sina Marian Rivera at Ding­dong Dantes patungong Indonesia para i-ce­le­­brate ang kaarawan ng una sa Bali. Hindi alam ni Marian kung saan sila pupunta ni Dingdong at kung sino pa ang mga kasama dahil surprise ito ng aktor para sa kanya.

“Tinanong niya ako kung ano ang gusto kong puntahan, ’yung makapag-shopping ako ng husto o parang paraiso na bakasyon lang talaga.

 â€œSabi ko sa kanya, dun na ako sa paraiso,” masayang tsika ni Marian.

Wala siyang kaide-ideya na sa Bali pala ito.

Ilang araw lang silang magbabakasyon at pagbalik ay pag-uusapan na nila sa GMA 7 kung anong drama series ang sisimulan niya.

PAK: Marami ang na-impress sa mga sagot ng Super Sireyna Queen of Queens na si Francine Garcia nang mag-guest ito sa Startalk nung nakaraang Sabado.

Nakasabay nitong nag-guest ang isa ring transsexual na si Hazel Timonera na karelasyon ng da­ting taga-Starstruck na si Bugz Daigo.

Magkaibigan pala ang dalawa at madalas ay nag­kakasabay sila sa mga beauty contest pero magkaiba sila ng pananaw pagdating sa same sex marriage.

Umaasa si Hazel na pakakasalan siya ni Bugz, samantalang si Francine ay hindi agree sa same sex marriage.

Nagpa-interview ang magkasintahang Bugz at Hazel sa Startalk para mag-sorry sa pamilya ng lalaki na hindi pala boto sa kanilang relasyon.

Ang kapatid lang at lola ni Bugz ang tanggap sa relasyon nilang dalawa.

BOOM: Naging bonding na nina Vic Sotto at Pauleen Luna ang manood ng laban ng Gilas Pilipinas sa FIBA.

Nakaw-eksena sila sa bawat laro ng Gilas na pareho pala nilang hilig ang basketball.

Nandun din sila siyempre bilang suporta sa manugang ni Vic na si Marc Pingris.           

 Doon din nakikitang walang problema kina Danica Sotto-Pingris at Pauleen dahil magkakasama rin silang nanonood doon.

vuukle comment

BUGZ

BUGZ DAIGO

DANICA SOTTO-PINGRIS

FRANCINE GARCIA

GILAS PILIPINAS

HAZEL TIMONERA

MARC PINGRIS

MARIAN RIVERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with