^

PSN Showbiz

Andi deny to death sa tagong relasyon nila ni Billy!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Si Andi Eigenmann ang gaganap na babaeng ahas na si Galema sa bagong fantaserye ng ABS-CBN. Bagama’t sigurado na si Andi sa Galema, si KC Concepcion ay hindi pa nakakasiguro na magiging Darna. Wala pang kumpirmasyon ang tungkol sa pagda-Darna ni KC.

Makakasama ni Andi sa Galema sina Matteo Guidicelli, Sunshine Cruz, Sheryl Cruz and Lito Legaspi. Matagal-tagal na ring walang trabaho si Andi, huli niya pang serye ay Kapag Puso’y Masugatan.

At itinanggi na rin ni Andi na may kinalaman siya sa hiwalayan nina Nikki Gil at Billy Crawford. Sinabi ni Andi sa isang interview na : “It’s not true. Somehow nakakahinayang kasi parang I’d been really working hard, I’d been so peaceful with my life already, and there’s something that goes out like that, pati ako kasali, wala naman akong kinalaman diyan.

“Of course I feel bad. I mean I have no idea what went on. I have nothing to do with their relationship, I don’t know anything about their relationship,” paliwanag niya sa interview sa trade show ng mga bagong programa ng Dos.

Kylie nagpakita ng galing sa pagkanta

Maraming manonood ng TV ang nagulat na makita si Kylie Padilla na kumakanta  ng live sa news program ng GMA 7 na Unang Hirit. Marami ang nakumbinse sa anak ni Robin Padilla na hindi lamang siya maganda kundi marunong ding umarte, pero unang pagkakataon niya ‘yun na maipakita ang isa pa niyang talent na hindi nakita sa kanyang ama o iba pang miyembro ng kanyang pamilya, ang pagkanta. At promising siya, huh! Puwede na rin niyang pagkakitaan ang kanyang boses, pero sigurado ang marami, na mas gusto niyang maidagdag ito sa kanyang napakaraming talent na makatutulong sa kanya para maging isang multi-media o all-around artist. Hindi nakapagtataka kung hindi tulad ng kanyang kapatid na si Queenie  na sumama na sa kanyang ina sa Australia, ay hangarin niyang manatili ng bansa para maging artista. Sa ipinakikita niyang enthusiasm at sipag sa trabaho, at ngayon nga ay pagdaragdag sa talento na nakita sa kanya, hindi malayong maabot niya ang mas malayo pang stardom.

Galing nina Paulo at CarlO walang epekto sa mga taga-Cinemalaya

Nakalulungkot nga namang walang napili ang komite ng  Cinemalaya  Film Festival na pinamumunuan ni Laurice Guillen na aktor na tampok sa maraming indie  films na nakasali sa  ginanap na filmfest na ang ibang pelikula ay mapapanood na sa mga commercial theaters para maging Best Actor sa Director’s Showcase category.  All the while tanggap ng magagaling na aktor sina Carlo Aquino at Paulo Avelino pero hindi pa rin nila nakumbinse ang mga nasa likod ng Cinemalaya Awards. O baka naman ang roles ng mga artistang babae ang mas lumutang sa kanilang mga pelikula? Buti pa sa New Breed Category, ang transgender actor na gumaganap sa una niyang pelikulang Quick Change at nagngangalang Mimi Juareza ay nanalo ng Best Actor. Para sa pelikula niyang naglalantad sa  mundo ng underground cosmetic surgery. O baka naman mas maraming indie films na nakasali sa filmfest ang may istorya ng babae at hindi lalaki. Tsk. Tsk. Tsk.

vuukle comment

ANDI

BEST ACTOR

BILLY CRAWFORD

CARLO AQUINO

CINEMALAYA

CINEMALAYA AWARDS

DARNA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with