^

PSN Showbiz

Pauleen pinaligaya si Kuya Paolo!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Hindi pinayagan ng Eat Bulaga ang winner ng Super Sireyna na si Francine Garcia, ang Kim Chiu lookalike, na sagutin ang isyung na-dethrone siya dahil sa mga kumakalat na hubad niyang mga litrato sa Internet.           

Hindi naman totoong na-dethrone ang gay winner kaya ayaw na nilang patulan pa ito ni Francine.

PAK: Tinupad ni Pauleen Luna ang wish ni Paolo Pingol, ang Kuya na may Down Syndrome na nasa McDo commercial, na makita siya.

Paboritong panoorin din ni Kuya Paolo ang The Ryzza Mae Show at ang Eat Bulaga pagkatapos ng school niya.

Si Pauleen ang pinakapaborito niya sa mga artista dahil hinding-hindi raw nito makalimutan nung minsang manood ng mall show na isa si Pauleen sa mga nag-perform.

Nilapitan noon ni Pauleen at niyakap si Paolo kaya magmula noon ay gustung-gusto na ng binata ang actress/TV host.

Kaya nung ginawan ng story ng Kapuso Mo, Jessica Soho si Kuya Paolo, ang surprise gift sa kanya na ikinatuwa niya ng husto ay ang pagbisita ni Pauleen.

BOOM: Isang malusog na baby girl ang isinilang ng dating Sexbomb dancer na si Izzy Tirazona nung nakaraang Martes lang.

Medyo hirap sa pagbubuntis ng dancer kaya binantayan nang husto ng asawa niyang dating Starstruck avenger na si Alvin Aragon.

Pati sa panganganak ay nahirapan din si Izzy kaya na-caesarean para mailuwal lang ng safe ang baby.

Namroblema tuloy si Alvin dahil para lang sana sa normal delivery ang inihanda niyang budget.

Abangan ang kabuuan ng kuwentong ito sa Startalk ngayong araw.

vuukle comment

ALVIN ARAGON

DOWN SYNDROME

EAT BULAGA

FRANCINE GARCIA

IZZY TIRAZONA

JESSICA SOHO

KAPUSO MO

KUYA PAOLO

PAULEEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with