^

PSN Showbiz

Ibinuko ni Alessandra: Heart ngayon lang nakakahawak ng pera

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK : Totoo kayang ia-announce na mamaya sa Sunday All Stars na papalitan na ni Rochelle Pa­ngilinan si Mark Herras bilang leader ng Tropang Trending?

Baka hindi pa raw sisipot si Mark dahil hanggang ngayon ay dinadala pa rin nito ang break-up nila ni Ynna Asistio.

PAK: Dumating na raw si Jackie Forster galing Malaysia para magpa-interview lang kay Kuya Boy Abunda para sa The Buzz at kay Kuya Ricky Lo para sa Startalk.

Tuloy pa rin ang pagsasalita niya tungkol sa mga anak niyang sina Andre at Kobe Paras na ayaw pa ring makipagkita sa kanya.           

Kahit ano pang sabihin ni Jackie, hindi na raw ito sasagutin nina Benjie.

Nagpadala lang sila ng maikling statement sa Startalk : “We will not comment on this issue. No matter what we say, they seem to fall on deaf ears anyway. This will never end.

BOOM : Tungkol kay Heart Evangelista ang napag-usapan namin ni Alessandra de Rossi nang magpatawag ito ng mini-presscon para sa pelikulang Liars na entry ni direk Gil Portes sa Director’s show­case ng Cinemalaya Independent Film Festival.

Sabi ni Alex, natutuwa siya sa pagsu-solo na ngayon ng kanyang bestfriend dahil mas alam na raw nito ngayon ang pag-handle ng finances. “Ngayon lang nga niya nalaman kung magkano ang ta­lent fee niya per taping. Sa tagal na niya sa showbiz, ngayon lang niya nalaman magkano ang kinikita niya,” bulalas ni Alex.

Pero nalulungkot din daw siya dahil hanggang ngayon ay hindi na nagkaayos sina Heart at ng magulang nito. Pero ma­laki raw ang pag-asa niyang magkaayos din sila at matutuwa raw sila sa pagiging independent ng kaibigang aktres.

vuukle comment

ALEX

CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

GIL PORTES

HEART EVANGELISTA

JACKIE FORSTER

KOBE PARAS

KUYA BOY ABUNDA

KUYA RICKY LO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with