^

PSN Showbiz

Ang Latest wala na rin

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

May tatlong malalaking programa ang mawawala sa TV5, ang Ang Latest, Talentadong Pinoy at Face to Face. Ikinalulungkot ito ng ilang taga-Singko, pero mas higit ‘yung maraming pagbabago na mangyayari sa pagpapatakbo ng istasyon. Ano kaya ang  mangyayari sa maraming artista na kinuha nila’t binayaran ng milyon? Apektado kaya ang mga ito sa pagbabago?

Erap pinagkatiwalaan si Isko

Kahit dumami ang kanyang workload, masaya si Vice Mayor Isko Moreno na mahilingan ni Mayor­ Erap Estrada na tumulong sa pagpapaunlad ng Maynila. Masaya ang dating taga-That’s… na makatulong sa kanyang mayor at hindi’ yung gagawa lamang kapag may hindi magagawa o wala ang mayor. Ngayon side by side sila ni Mayor Erap sa Maynila. Kaya mahal na mahal ni Isko si Erap paano ba naman pinagkakatiwalaan siya nito.

Hindi rin natiis

Hindi rin natiis ni Binoe si BB. Dinalaw niya ito sa ospital na kung saan ay naratay ito ng ilang araw. Kung hindi dumating si Binoe, siya lang sa pamilya ang wala. At hindi naman ganun katigas ang kanyang puso para matiis ang isang kadugo.

Sana lang tuluyan nang natanggap ng pamilya si BB. After all, tadhana niya ang maging bading. Matagal ding panahon niya itong iti­nago. Pero ngayong kailangan na niya itong ilabas, maintindihan sana nila na wala na siyang choice, the spirit is willing but the flesh is weak.

 

vuukle comment

ANG LATEST

ANO

ERAP

ERAP ESTRADA

ISKO

MAYNILA

MAYOR ERAP

TALENTADONG PINOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with