^

PSN Showbiz

Buhay ni Izzy nabago ni Juan

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Sikat na sikat ngayon ang batang aktor na si Izzy Canillo dahil sa kanyang pagiging bibo sa panghapong teleserye na My Little Juan. Ginusto raw maging artista ni Izzy para magkatotoo ang kanyang mga pangarap. “Kasi po may gusto po akong mabiling bahay, kasi po maganda, may attic, may terrace. Dati po kasi hindi kami nakakalabas eh, palaging merong tricycle. Kaya gusto ko po, malaki para doon po kami maglaro sa loob,” nakangiting pahayag ni Izzy.

Bukod sa minimithing bahay ay gusto rin daw bumili ni Izzy ng isang sasakyan na hindi naman kamahalan. “’Yung kotse po na point 8 na matipid sa gas. ‘Yung point 8 po ‘yung makina niya,” dagdag ni Izzy.

Kahit abala sa taping ang batang aktor ay mayroon pa rin naman daw siyang panahong makipaglaro sa kanyang mga mahal sa buhay. “Palagi po kaming naglalaro, ‘pag wala po akong magawa at ayaw po makipaglaro ng pinsan ko, yayayain ko na lang po si Dada (tatay niya) na lalabas kami, magba-basketball kami,” kuwento ni Izzy.

Malaki raw ang ipinagbago ng buhay ng bata mula nang gawin niya ang kanyang sariling soap opera. “Marami po akong natutunan hindi lang sa pag-arte kundi pati po sa pagiging mabuting bata dahil sa mga itinuturo ni Fr. Cito (Jaime Fabregas) kay Juan,” pagbabahagi ni Izzy. Pinapayuhan din ni Coco Martin ang batang aktor kung ano ang dapat nitong gawin sa taping at sa mga mall shows nila. “’Yun po pa­la­ging focus at ‘yung noo po kunot-noo pala­gi. Tapos dapat parang palaging problemado, nag-aalala sa mga tao. Sabi niya po, ‘Izzy ganito gawin mo ha, pabibo ka, inaakit mo ‘yung mga tao, ‘yung pa-cute lang.’ natatawang kuwento ng batang aktor.

Enrique may bagong itinatagong gf?

May mga nagsasabing may non-showbiz girlfriend na raw si Enrique Gil ngayon pero itinatago lamang ito ng aktor. “Na naman? ‘Yan na naman? Sinabi ko, wala ‘yun. Fan lang ‘yun sa show sa Bacolod, nagpa-picture lang. Kapag meron sasabihin ko sa inyo,” giit ni Enrique.

Samantala, bukas ay magsisimula na sa Primetime Bida ng Kapamilya network, ang teleseryeng Muling Buksan Ang Puso. Makakasama ni Enrique dito sina Julia Montes at Enchong Dee. Panatag daw si Enrique na muli siyang susuportahan ng kanyang mga tagahanga katulad ng suportang ibinigay noon sa Princess And I. “’Yung ibang supporters ng Princess And I, after ng Princess sabi nila kahit saan kami, supporters pa rin sila,” nakangiting pahayag ni Enrique.

Umaasa rin ang binata na susuportahan din ng mga tagahanga ang bagong teleserye nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo na Got To Believe. “Sa akin lang, kung maganda ‘yung story, maganda ‘yung cast, I think magiging okay naman lahat. I think papanoorin naman ng lahat ng tao ‘yung shows ng ABS-CBN so wala akong problema doon,” paliwanag ng aktor. Reports from JAMES C. CANTOS

 

COCO MARTIN

DANIEL PADILLA

ENCHONG DEE

ENRIQUE

ENRIQUE GIL

IZZY

PRINCESS AND I

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with