^

PSN Showbiz

Kim ‘wagi’ kay Maja

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - “Wagi” si Kim Chiu sa kanilang showdown ni Maja Salvador sa ASAP 18 kahapon. Ang obser­basyon ng mga nakapanood, mas magaling suma­yaw si Kim at mas maganda ang legs niya kesa kay Maja.

Binantayan kahapon sa ASAP ang kanilang show­down na promo para sa last week ng kanilang programang Ina, Anak, Kapatid.

At hanggang sa natapos ang kanilang dance number, nakitang mukhang hindi pa nga nagka­ka­ayos ang dalawa dahil ni hin­di tumitingin si Kim kay Maja habang nagsasalita sila para sa plugging ng kanilang serye na ending na sa Biyernes. Ganun din sa live promo nila sa The Buzz. Deadma si Kim kay Maja.

Actor na nali-link sa iba biglang nagsuot ng wedding ring

May wedding ring nang suut-suot ngayon ang isang actor na kamakailan lang ay na-link sa isang co-worker niya. At idini-display niya ang nasa­bing sing­sing lalo na ’pag hawak niya ang mikropono. Halatang gus­to niyang sabihin sa lahat ng tao na may asa­wa na siya at hindi na siya puwedeng ma-link sa kanyang co-worker.

Marami kasing kinikilig sa pagli-link sa dalawa dahil may kilig factor naman talaga. Sadly, may asawa na nga si lalaki kaya kahit anong kilig ay wala nang epek.

Direk Cathy masusubukan na naman sa four sisters…

Sa selebrasyon ng 20 taon ng pagbibigay buhay, pag-ibig, at pag-asa sa pinilakang tabing, isang engrandeng regalo ang paunang handog ng Star Cinema — ang powerhouse light family drama film na Four Sisters and a Wedding na pinagbibidahan ng lima sa pinakasikat na arista ngayon na sina Bea Alonzo, Toni Gonzaga, Angel Locsin, Enchong Dee, at Shaina Magdayao. Mapapanood na ito sa mga sinehan nationwide sa June 26.

Ang Four Sisters and a Wedding ay obra maestra ng box-office director na si Cathy Garcia-Molina na siya ring nagdirek ng ilan sa highest-grossing Filipino movies of all time kabilang ang tinaguriang “most successful romantic-comedy trilogy” na A Very Special Love, You Changed My Life, at ang kapapalabas lamang na It Takes a Man and a Woman.

Ang special kick-off movie treat ng Star Cinema ay kuwento ng magkakapatid na Salazar na nakatira sa kanilang bahay kasama ang kanilang ina at nag-iisang lalaking kapatid ng Salazar sisters na ginulat ang lahat nang ibalitang magpapakasal na siya sa girlfriend niya ng tatlong buwan na si Princess.

May special participation sa Four Sisters and a Wedding sina Coney Reyes, Angeline Quinto, at Sam Milby. Bahagi rin ng pelikula sina Carmi Martin, Buboy Garovillo, Bernard Palanca, at Janus del Prado.

vuukle comment

A VERY SPECIAL LOVE

ANG FOUR SISTERS

ANGEL LOCSIN

ANGELINE QUINTO

BEA ALONZO

FOUR SISTERS

MAJA

SHY

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with