^

PSN Showbiz

Eula may grand transformation

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiyak na matutuwa ang fans ng Cassandra: Warrior Angel dahil mapapanood na rin nila sa wakas ang pinakaaabangang grand transformation ni Eula Caballero. Ngayong linggo, magdiriwang ng ika-18th birthday si Cassandra at dito ay bibigyan siya ng isang mahiwagang kuwintas ni Gabriel (JC de Vera) na tutulong upang maging isa siyang ganap na Warrior Angel.

Kukumbinsihin naman  ni Azrael (Gabby Concepcion) si Larissa (Eula Valdez) na isa siyang maligno at mag uumpisa na ang dating babaylan na magsanay sa pakikipaglaban.

Pagkatapos ng isang matinding trahedya, tuluyan ng lalabas ang pagkamaligno ang panganay ni Larissa na si Cristoff (Alwyn Uytingco). Ang bunso naman na si Calix (Josh Stangeland) ay magiging ganap ng healer dahil sa kanyang kapangyarihan na magpagaling ng kahit anong sakit. Gagamitin ng ama-amahan ni Calix na si Dado (Mon Confiado) sa masamang paraan ang kakayahan nito.

Patuloy na subaybayan ang kapanapanabik na pangyayari sa pam­pamil­yang fantaserye ng TV5 ang Cassandra: Warrior Angel gabi-gabi 7:00 p.m.

vuukle comment

ALWYN UYTINGCO

CRISTOFF

EULA CABALLERO

EULA VALDEZ

GABBY CONCEPCION

JOSH STANGELAND

LARISSA

MON CONFIADO

WARRIOR ANGEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with