^

PSN Showbiz

Shaina naghihintay na ng tamang lalaki!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Bukod kina Piolo Pascual at Sam Milby ay nauugnay din si Shaina Magdayao kay Direk Lino Cayetano. Maraming mga lalaki ang nali-link sa aktres mula nang magkahiwalay sila ni John Lloyd Cruz noong isang taon.

“Nahihiya na ako. Kung kani-kanino n’yo ako nili-link, nakakahiya naman sa kanila. Siguro dapat sa kanila manggaling ’yun, hindi sa akin at saka parang nai-stress tuloy ako maging single kasi parang ang daming issues. Ang daming mga nili-link na mga lalaki. Gusto lang naman nila makipagkaibigan. Baka nabibigyan lang ng kulay,” nakangiting pahayag ni Shaina.

Masaya raw ngayon ang dalaga sa pagiging single pero nakahanda na rin siyang umibig muli.

“If it’s the right person hindi natin masasabi. So, naghihintay lang ako para sa tamang tao. Parang mas magandang sa kanila manggaling. Nagpapasalamat ako kasi naa-appreciate nila ako. Nangangarap tayo at naghihintay nga for that right person kasi gaya ng sabi ko, meron pa tayong takot. Meron pa tayong doubts pero kapag dumating ’yung tamang tao na ’yun, tatanggalin niya lahat ng takot at doubts. And will make you believe in falling in love again. I am ready but I am just waiting for the right person,” giit pa ng aktres.

Gustong gayahin si Daniel Kathryn gusto na ring maging singer at magkaroon ng concert

May iba pa raw gusto at subukang gawin si Kathryn Bernardo maliban sa pag-arte. Gusto kasi ng young actress na mahasa ang iba pa niyang talento.

“Hindi naman puwedeng acting lang kasi magsasawa ang mga tao. Open ako mag-explore ng ibang talents na puwede ko ma-discover. Maybe play the guitar or ukulele,” bungad ni Kathryn.

Aminado ang dalaga na gusto rin niyang maranasan ang katulad ng ginagawa ng katambal at ka-M.U. na si Daniel Padilla. Bukod kasi sa pag-arte ay kumakanta rin ang binata at naging matagumpay pa ang concert nito sa Smart Araneta Coliseum kamakailan.

“Huwag muna sa Araneta Coliseum. Sa Music Museum muna. Siya ang mag-produce ng album para ’di lugi,” biro ng young actress.

“Hindi ko alam. Tingnan natin. Happy lang ako sa concert niya. Lahat naman yata ng bata na-inspire kay DJ kasi very successful ng concert niya.”

Samantala, nakatakdang kumuha ng kursong fashion marketing si Kathryn sa isang exclusive school kasabay ng mga kaibigang sina Julia Montes at Miles Ocampo. Pangarap daw talaga ng dalaga na makatapos ng pag-aaral kasabay ng kanyang pag-aartista. Iniidolo ni Kathryn si Iya Villania dahil napagsabay din ng huli ang pag-aaral at pag-aartista.

“Ever since bata ako. Siya kasi naka-graduate siya ng college ’tapos very mabait siya as a person. Parang ang fun lang niya kapag nakikita mo. So every time nakikita ko siya, gusto ko gano’n ako ilang years from now. Isa siya sa local artists na gusto ko,” pagtatapos ni Kathryn.
Reports from JAMES C. CANTOS

 

vuukle comment

AKO

ARANETA COLISEUM

BUKOD

DANIEL KATHRYN

DANIEL PADILLA

DIREK LINO CAYETANO

GUSTO

KASI

KATHRYN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with