^

PSN Showbiz

Party Pilipinas pararangalan ang lahat ng ina

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Wow na wow sa live audience na 20,000 ang Party Pilipinas ngayong Linggo dahil ngayon pa lang sila tutuntong sa malaking venue ng SM Mall of Asia Arena para sa espesyal na Mother’s Day pre­sentation.

Sabay-sabay nating ipagdiwang ang espesyal na araw ng ating mga nanay kasama ang mga paboritong Kapuso star at tunghayan sa unang pagkakataon na makita muli ang R&B Princess na si Kyla kasama ang kanyang baby na si Toby.

Abangan ang muling pagbabalik sa Party Pilipinas ng Primetime Queen na si Marian Rivera at ang kanyang sexy hiphop moves.

Hatid naman ng Pinoy Hiphop Dance Princess na si Yassi Pressman ang kanyang dance moves kasabay ang pag-celebrate ng kanyang 18th birthday. Turning 19 naman ang platinum recording artist na si Julie Anne San Jose at sinisiguradong ihahatid ang concert party vibes sa lahat ng sulok ng Arena.

Ipagdiriwang din ng Kapuso leading lady na si Andrea Torres ang kanyang kaarawan sa GMA Sunday show. Samantala ise-celebrate rin ni Jennylyn Mercado ang kanyang kaarawan at ang espesyal na araw bilang isang mapagmahal na ina kay Alex Jazz.

Ihanda ang inyong sarili sa grupo ng mga nagsisi-guwapuhang social media sensation na Chicser at ang Pinoy rockband na Chicosci at samahan sila sa paglabas ng kani-kanilang album. Tampok din ang naggagandahang girls fresh from their cover girl stint sa mga favorite men’s magazine.

Ang Divas, Keso Boys, R&B Boys, PP A-listers, Sayaw Pilipinas Crew, at GMA Afternoon Prime and Telebabad Prime stars ay handa nang ibigay ang pinakamalaking concert party experience sa Party Pilipinas at the MOA Arena: A Mother’s Day Special ngayong Linggo, May 12, sa GMA.

vuukle comment

A MOTHER

AFTERNOON PRIME AND TELEBABAD PRIME

ALEX JAZZ

ANDREA TORRES

ANG DIVAS

B BOYS

B PRINCESS

DAY SPECIAL

JENNYLYN MERCADO

PARTY PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with